Mabuti Ang Diyos | Ensemble | Lyrics | SBBC


Siloam Bible Baptist Church

MABUTI ANG DIYOS
Adaptation of "God's Been Good" by Rico Angelo Castro
Performed by Millena Family

Show More

I.
Sa buhay ko, kamakailan ay aking namamasdan ang mga tanda't patunay ng Kanyang kahabagan
Ang nais kong sabihi'y karaniwang itanyag ngunit wala nang mas dakilang pahayag...

Koro:
Mabuti ang Diyos sa buhay ko!
Pagpapala Niyang hatid ay akin ngang natatanto, At bagamat ako'y naghirap,
ako'y mananalig nang lubos;
'pagkat laging mabuti ang Diyos...

II.
'Di minsang karanasan, mapait na pagluha; ngunit sa'king alinlangan ay mayro'n Siyang biyaya, Ako'y binigyan Niya ng buhay
at ito'y walang hanggan
kahit hindi karapat-dapat ilaan....

Koro.
Mabuti ang Diyos sa buhay ko!
Pagpapala Niyang hatid ay akin ngang natatanto, At bagamat ako'y naghirap,
ako'y mananalig nang lubos;
'pagkat laging mabuti ang Diyos...

III.
Siya ang aking Ama at ang Tagapagligtas;
Pag-ibig Niya ang aking simula hanggang wakas
O kayrami ng papuri na sa kanya ay totoo...
Ngunit ang aking masasabi ay ito:

Koro.
Mabuti ang Diyos sa buhay ko!
Pagpapala Niyang hatid ay akin ngang natatanto.
At bagamat ako'y naghirap,
ako'y mananalig nang lubos;
'pagkat laging mabuti ang Diyos...

-----------------
#MabutiAngDiyos #TagalogChristianSong
#God'sBeenGoodTagalog #BaptistHymns #Christiansong #Baptistsong #Hymns #SBBC #Baptist

06. 25. 2023
------------------
Watch and be bless with the song. Kindly like, share and subscribe! Thank you and God bless😇
_________________

📍We are praying for an expansion of God's ministry. You may took part in God's ministry by sharing your blessings. Everything will be dedicated to His ministry. Also, like, share, and subscribe
GCash Number: 09380491239 (Jesus Millena)

No copyright infringement is intended. Music Accompaniment used in this video credits to its rightful owner.
To God Be All The Glory!

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press