Madali ba ang mabuhay bilang Kristyano? Ano ang kahulugan ng pagiging Christian?
Frisian DC
Ang Kristiyano ay dapat na mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.
Sa pamamagitan ng pananampalataya tayo ay pumasok sa buhay Kristiyano, at sa pamamagitan din ng pananampalataya tayo mabubuhay.
Show More
Nang magumpisa ang ating buhay Kristiyano sa pamamagitan ng ating paglapit kay Hesu Kristo para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan, naunawaan natin na hindi natin makakamit ang ating hinahanap sa pamamagitan ng ibang pamamaraan kundi sa pamamagitan lamang ng pananampalataya.
Hindi natin kayang dalhin ang ating sarili sa langit, dahil hindi sapat ang lahat ng ating kayang gawin upang makamit ang kaligtasan.
Ang mga naniniwala na kaya nilang makamtan ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at alituntunin - o sa listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin - ay tinatanggihan ang malinaw na itinuturo ng Bibliya.
“Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap sa kautusan sa harapan ng Dios; sapagka't, Ang ganap ay mabubuhay sa pananampalataya” (Galacia 3:11).
Tinanggihan si Hesus ng mga Pariseo dahil sinabi Niya sa kanila ang katotohanang ito na walang halaga ang kanilang mabubutng gawa at tanging ang pananampalataya lamang sa Kanya ang kasangkapan para sa kaligtasan.
Sa unang kabanata ng aklat ng Roma, sinabi ni Pablo na ang Ebanghelyo ni Hesu Kristo ang kapangyarihan na nagliligtas sa atin, at ang Ebanghelyo ang Mabuting Balita at ang lahat ng mananalig sa Kanya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Nang pumasok tayo sa buhay Kristiyano sa pamamagitan ng pananampalataya, nakikita natin na lumalago ang ating pananampalataya habang nakikilala natin ang Diyos na nagligtas sa atin.
Aktwal na ipinapakilala sa atin ng Ebanghelyo ni Kristo ang Diyos habang namumuhay tayo sa isang malapit na kaugnayan sa Kanya araw araw.
Sinasabi sa Roma 1:17, “Sapagka't dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.”
Kaya











