Madali ka bang maloko?
Kapag sobrang buti mong tao, madali ka ring maloko. Lolokohin ka lang ng mga taong akala mo inosente. Maniwala ka man sa akin o hindi, kokontrolin ka nila. Kapag madali kang pumayag sa mga request nila, kapag sobra mong lambing, kapag sobra mong open, madali silang makapasok sa buhay mo. 'Wag kang basta-bastang magtiwala sa kahit sino. 'Wag kang magtiwala sa matatamis nilang sinasabi. 'Wag kang matakot umayaw, 'wag kang matakot humindi. Don't let people push you or force you to make an immediate decision. If there is any reason you don't want to do something, don't do it. Kung may tao man na hindi ka na nirerespeto, putulin mo na ang ugnayan mo sa kanila. Hindi naman masama ang maging mabuting tao pero dapat alam mo rin ang mga hindi dapat gawin at dapat alam mo rin ang mga pwedeng gawin. Dapat mag set ka ng boundaries.











