MAGALAK SA KANYANG PAGDATING _ Soprano Guide #adventseason
1,946 views,
CHOIR Tutorial PLUS
25,900 views
Magalak, magsiawit, magdiwang!
Darating ang Poon ng tanan.
Ang mga pagtangis, kahirapa't lumbay
ay kanyang papawiing ganap
Masayang salubungin ang Mesiyas!
Magpuring may tuwa at galak!
Ang Diyos na Hari at makatatungan,
dulot Niya sa'ti'y kaligtasan.
Refrain:
Darating ang araw,
paglayang hangad ng lahat.
Sa gabing tahimik pag-asa'y sumilip.
Nagniningning sa kaliwanagan
Magalak, magsiawit, magdiwang!
Darating ang Poon ng tanan.
Sa lahat ng takot at mga kaaway
iingatan Niya tayong lubos
Ihanda ang sarili't kalooban
Tuwirin ang lahat ng daan
Ang Diyos na Hari at Tagapagligtas,
tutubos sa sala ng lahat.