Magbigay ng walang hinihinging kapalit


“May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.” (Gawa 20:35). Ibig sabihin, may kaugnayan ang PAGBIBIGAY at KALIGAYAHAN. Ang mas nakakatuwa pa, “Mahal ng Diyos ang masayang nagbibigay.” (2 Corinto 9:7). Hindi lang pera ang maibibigay natin. Marami pang paraan ng pagbibigay. Ang isang taong mabait ay bukas-palad at handang magbigay ng PANAHON, LAKAS, PAGMAMAHAL, at iba pa. Bakit may positibong mga resulta ang pagbibigay? Dahil sinasabing ang PAGKAMAHABAGIN, KAGANDAHANG-LOOB, at KABAITAN ay tumutulong para maiwasan ang mga negatibong damdamin. Ang pagiging bukas-palad ay isa sa mga kahanga-hangang katangian ng ating Maylalang. Binigyan Niya tayo ng buhay at binigyan Niya tayo ng lahat ng kailangan natin para maging masaya. Makikilala natin ang ating makalangit na Ama at malalaman natin ang Kaniyang layunin kung pag-aaralan natin ang Kaniyang Salita, ang Bibliya. Ang Diyos ay bukas-palad at nilalang ka Niya ayon sa Kaniyang larawan. Kaya naman hindi nakapagtataka na kung tutularan mo ang pagiging bukas-palad ng Diyos, makabubuti ito para sa 'yo at sasang-ayunan ka Niya.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press