MAGPOKUS KA SA MGA BAGAY NA MAKOKONTROL MO
Magpokus ka sa kung ano ang makokontrol mo. Magpokus ka sa araw na ito. Iwan mo na ang kahapon. Salubungin mo ang hinaharap ng walang takot. Mababawasan ang stress mo at magiging positibo pa ang pananaw mo kung bibitaw ka na sa mga bagay na hindi mo makokontrol. 'Wag mong sayangin ang iyong lakas sa kakapilit sa mga bagay na hindi mo na mababago. 'Wag mong sayangin ang iyong lakas sa kakaisip sa mga bagay na hindi pa nangyari. Magpokus ka sa sa mga bagay na kaya mong kontrolin. Bitawan mo ang mga bagay na hindi mo makokontrol. Kapag gagawin mo ito, gagaan ang buhay mo.
=== Music used
Hardest Choice by Jonny Easton
Link: https://youtu.be/oZGIzlrDp6s











