Magpokus ka sa ngayon
MAGPOKUS KA SA NGAYON
Hindi ko naman sinasabi na hayaan mo na ang iyong kinabukasan. Ang ibig kong sabihin, NGAYON ang pinakaimportanteng oras. Kung ano ang ginagawa mo ngayon, magbubunga ito sa kinabukasan mo. 'Wag kang magpokus sa hinaharap at sa nakaraan mo. May mga taong hindi pa naka-move on sa kanilang nakaraan. May mga tao ring palagi na lang nag-aalala sa kanilang kinabukasan. When your time runs out in this life, you will realize that it is only the present that matters. Wala na ang nakaraan at wala pang kaseguruhan kung ano ang mangyayari bukas. Ang tanging makokontrol mo lang ay kung paano ka mag react sa sitwasyon mo ngayon at kung paano mo gagamitin ng tama ang oras mo ngayon. Isara mo na ang pintuan ng kahapon mo. 'Wag mong tignan ang mga bagay na tapos na dahil hindi mo naman mati-twist ang pangyayari. Process the things you learned, apply the lessons to your current life and then never look back. Magplano ka para sa kinabukasan mo pero 'wag kang masyadong mag overthink. The NOW is vital. It is what you pass through, every moment.











