Magsisimula ka ng maging aware sa presensya ng Diyos sa arawaraw
Kung ang Diyos na ang sentro ng iyung buhay ay paano mo ito gagawin. Magsisimula ka ng maging aware sa presensya ng Diyos sa arawaraw.
Si Brother Lawrence ay sumulat ng isang aklat na tinawag na Practicing the Presence of God. Marahil may ilan sa inyo na nabasa na ito. Ikinuwento niya dito kung paano niya natutunan na makipag-usap sa Diyos kahit sa mga ordinaryong gawain niya sa araw-araw. Ito ang tinatawag na paglakad sa Espiritu— or walking by the Spirit
Ano ang ibig kong sabihin?
Halimbawa may dalawang tao ang nagwo-worship: 'yung isa ay masayang masaya, lubos niya na nararanasan ang presensya ng Diyos, ninanamnam niya ang kagandahan ng Diyos, ninanamnam niya ang katotohan na kasama niya ang Diyos na nakatingin at nangungusap sa kanya. Samantalang ang taong katabi niya naku inip na inip na at tingin nang tingin sa relo, iniisip niya kung kailan matatapos ang worship para makauwi na at magawa ang mga bagay na gagawin niya.
Show More
Now pansinin natin ito. Parehas naman na andyan ang Diyos para sa kanilang dalawa. Pero bakit ganon magkaiba sila ng karanasan. Ano ang kaibahan nila.
Ang sagot ay awareness at ang desisyon na hanapin ang Diyos at makipag engage sa Kanya .
Panuorin ang buong mensahe, pindutin lang ito
👉https://www.youtube.com/watch?v=JVNQrTi4rUs
#karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #walkwithGod #christianvlog











