MAGTATAGO O ITATAGO | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS
MERCY BLESS
Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------
MAGTATAGO O ITATAGO?
By: PLEN ROTAO
VOICE & EDIT : MERCY BLESS
noong bata pa ako,
gustong gusto ko yung larong tagu- taguan.
gagawin mo ang lahat,
wag ka lang makita,
wag lang malaman kung nasaan ka.
masaya, masayang magtago
at pagtawanan kung sino man yung taya
Show More
pero ngayon, iba na.
ginawa ko na ang lahat para itago,
kung ano man ang nararamdaman ko para sayo.
itatago, wag lang nilang malaman.
pero bakit ganun? hindi na masaya.
puso ko na kase ang nakataya.
hindi ko na magawang tumawa.
isa, dalawa, hanggang lumipas ang mga araw
nang hindi ko namamalayang minahal na pala kita.
yung simpleng pag ngiti ko sa tuwing na iisip ka
ay unti unti palang nagtanim ng pag ibig
sa puso ko na matagal nang nangungulila.
paki usap, hanapin mo ako.
hindi ko na kayang magtago.
natatakot akong magpakita,
baka ako yung maging taya at sa huli ay matalo.
sa larong ito, nakakatakot magtago,
sa isang damdaming walang ibang nakaka alam kundi ako.
huli ka ! ako na ba ang taya?
hindi. huli na, tapos na.
mananatili nalang nakatago itong pagmamahal
na sana nasabi ko na.
pero wala na, hindi manlang umabot ng sampu
ang pagbibilang ng bigla akong sampalin ng katotohanan.
na hindi lang pala ako ang naglalaro,
hindi lang ako yung nagtatago.
nahanap mo siya.
diba dapat masaya dahil hindi ako yung magiging taya?
pero hindi, sa larong ito ako ang talo.
dahil sa larong taguan ng nararamdaman,
mananalo ang unang natagpuan,
yung unang naglakas loob lumaban,
yung hindi na itinago,
yung buong pusong inilahad ang totoo.
sa huli, talo yung binalewala.
yung inakalang kapag itinago ay masaya.
nakuntentong mag mahal mag isa.
natakot na baka sa muling pag sugal ay madaya.
Kaya nga tagu taguan.
Ang lahat ay maliwanag pa sa buwan.
Na kapag nagmahal ka,
hanggat maari sabihin mo na,
at baka pagsisihan mo pa











