Magtira ka rin para sa sarili mo
Ang mga taong palagi mong inuuna, swerte ka na kung may isa diyan na tutulungan ka kung ikaw naman ang mangangailangan. Ito ang masakit na katotohanan sa buhay. Hindi lahat ng tinutulungan mo ay tutulong sa 'yo kung ikaw naman ang nangangailangan. Kaya ngayon pa lang, magtira ka para sa sarili mo. Dahil kung mauubusan ka na, saan ka pupulutin? saan ka pupunta? Wala kang mapupuntahan. Umiiral ka nga pero nagiging invisible ka na sa mata ng karamihan. Wala ka ng silbi sa kanila, mahina ka, wala ka ng halaga, kasi wala ka ng pakinabang. Hindi ka nila tutulungan, ano ang resulta? Made-depress ka. Kapag sobra mong bait, malulungkot ka and at the same time, magagalit ka. Ayon nga sa kanta, kung sino pa ang marunong magmahal, siya pa ang madalas maiwan.











