MAHAL KITA KAHIT SA PUSO MO AY NAROON SIYA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS
MERCY BLESS
MAHAL KITA KAHIT ANG PUSO MO AY NAROON SIYA.
BY: HL
VOICE: MERCY BLESS
selos, diyan ako lumuluha ng patago
pinipilit ko namang huwag magpaapekto
pero sadyang taksil itong puso ko.
Show More
nagseselos ako sa,
kung paano mo siya titigan,
kung paano mo siya ngitian,
kung paano mo siya alagaan,
at kung paano mo siya nagustuhan.
akala ko nung una wala lang yun,
pero habang nagtagal ay napapansin kung iba na.
at dun ko napagtanto na impossible palang maging tayo
dahil sa puso mo ay naroon siya.
siya at hindi ako.
siya na una mong nakilala,
siya na iyong minahal,
siya na hanggang ngayun sinisigaw pa din ng puso mo.
nasaktan ako ng malaman ko yun
na siya pala ang iyong gusto at hindi ako.
nasaktan ako at napagtanto ko
na malabo talagang maging tayo.
hinahangad ko din yun,
hinahangad na titigan mo din,
hinahangad na ngitian mo din,
hinahangad na magustuhan mo din gaya niya.
kitang kita ko sayo,
kung paano mag ningning ang iyong mga mata
pag nakikita mo siya.
siya na gusto mo.
pasensya ka na,
kung di ko man nasabing mahal kita
at pasensya ka na,
kung diko masabing ako’y nasasaktan na.
alam ko naman,
na sa ating dalawa
ako lang yung umaasa
umaasang magiging tayong dalawa.
ang tanga ko,
dahil handa pa din akong mag antay sayo
kung saan handa ka na
handa ka ng mahalin ako
alam ko namang wala kang
nararamdaman sakin
na hanggang kaibigan lang
ako sa iyong paningin
oo, mahal kita
kahit ang na sa puso mo ay siya.
mahal pa din kita,
kahit akoy nasasaktan na.
ayoko din ipilit ang aking sarili
dahil ako lang din naman ang masasaktan sa huli.
pero pwede bang hayaan mo akong mahalin ka?
hanggang ang puso koy mapagod na at handa nang bitawan ka.
at kung sa panahong lilipas makita ko na
sa kanya ka talaga sasaya
hahayaan nalang kita.
pipilitin kung maging masaya
para sa inyong dalawa
ito lang din siguro ang paraan
sa mga bagay na walang kasiguruhan
Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)











