MAHAL KITA, PERO PAALAM NA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

4,682 views

Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------
MAHAL KITA PERO PAALAM NA
By: John Kenneth Paul Silao
VOICE & EDIT : MERCY BLESS

lumipas ang araw at buwan
mula ng huling beses kita makausap
kahit pilitin ang aking sarili na kalimutan ka
ikaw parin ang aking hinahanap hanap

Show More

bakit sobrang hirap mong kalimutan
siguro dahil sa labis kitang minahal

minahal na dumating sa puntong
muntikan pakong itakwil ng aking mga magulang
maipakita ko lang sayo at sa lahat na ikaw lang
pero nag bago ang lahat ng ikaw ay lumisan
nag bago pati ung salitang ikaw lang

pinilit kong ayusin ang alitan nating dalawa

alam kong marami akong pagkukulang
rason naba un para iwan mo nalang ako ng mabilisan

ginawa ko ang lahat ng kaya ko
ultimo perang ikakain ko titipirin ko
makaipon lang papunta sayo

ganun ka kahalaga
pinangarap kang makasama pag tanda
pero lahat ng yun ay isang pangarap nalang pala
kasi hindi ko na yun maaabot kasi wala kana

aking iisipin mga sandali natin
sandaling unang beses kang masilayan
at unang beses kitang makapiling

kaya sana ingatan ka ng bago mo
sanay ingatan ka nya
gaya nang pag iingat ko sayo ng tayo pa

mahalin ka sana nya
gaya ng pagmamahal ko sayo ng sobra sobra
wag ka nya paluluhain
kasi pag nangyari yun ay diko kakayanin

gusto ko'y masaya kalang
kasi sinakripisyo ko ang saya ko
makita ko lang na masaya ka

kahit sa piling ng iba
ayoko ko kasing ipilit ang sarili ko
sa taong ang puso ay nasa iba na
kaya mas pipiliin kong iwasan ka
layuan ka
kahit mahal pa kita

oo miss na kita
miss na miss na kita
pero kailangan ko ng kalimutan ka
kaya hanggang dito nalang talaga
mahal kita pero paalam na

Facebook Page
https://www.facebook.com/MERCY-BLESS-102417664695351

Tiktok
tiktok.com/@mercy.bless

Business Email
mercyblesscollaboration@gmail.com

Open Collab for all - send your original piece here :)

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press