MAHAL PA KITA, PERO BIBITAW NA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BELSS
MERCY BLESS
Mahal pa kita pero bibitaw na
By: Kristina Padina
Sa mahabang panahon
nagtiis din ako, pinanghawakan din kita
ilang beses akong sumugal kahit, alam kong lumalaban nalang akong mag-isa
at walang kasiguradohan kung maipapanalo ko paba
kahit minsan diko naiisip na sukuan ka
kasi nga Mahal kita
Show More
Lahat ng sakit tiniis ko
lahat ng pag-iintindi binuhos ko
ang kaso...
yung inakala kong sapat na
para sayo kulang na kulang pa pala
Akala ko nagawa ko na lahat
pero kahit kailan pala'y hindi ako naging sapat
Nakikita kong hawak ka na ng iba kahit may tayo pa
yong atensyon mo wala na sa akin kasi nakatuon na sa iba
Pero mas pinili kong manatili
kaysa sa isipin ang aking sarili
siguro't tama nga sila kapag mahal mo ang isang tao
mananatili ka hangga't kaya mo
magpapakamartir ka kasi mahal mo
minsan nga nakakalimutan mo na mahalaga karin pala
pero dahil mahal kita
ikaw lagi yong palagi kong inuuna
gusto kong masiguro na ayos ka
kahit na pati sa sarili ko'y di ko alam kung ako'y ok pa
Halos wala na akong itinira sa aking sarili
nang sa ganon mabatid ko na ako lamang ang dahilan ng iyong pagngiti
Ang kaso mali ako
dahil hindi ako yong taong gusto mo
ilang beses akong nagpakagaga, nagpaka tanga
Makita lang kitang masaya, at makasama kita
ilang beses akong nagpauto
sa traidor kong puso
binalewala ko ang sinasabi ng utak ko
Nakakabobo pala pag nagmahal ka.
Andami kong isinakripisyo bago muna ako sumuko
binalewala ko ang sarili ko
kinalimutan ko na mahalaga din ako
mas minahal kasi kita
mas pinili kasi kita
kaysa unahin ang sarili ko
Kaso ikaw mismo ang nagpasuko
sa taong nagmamahal sayo.
Ikaw mismo ang magbigay ng rason para bitawan na kita.
Hindi ako sumuko kasi pagod na ako,
at mas lalong hindi ako sumuko kasi hindi na kita mahal.
Sumuko ako kasi, ramdam kong dika na masaya,
at kitang-kita kong gusto mo nang maging malaya.
Ang palayain ka ang pinakamalaking sakripisyo na nagawa ko para iyo.
Nawa'y maging masaya kana mahal ko.
PAALAM!!











