Mahalagang Kasaysayan Ep1 - #motivation #history #inspirational #philippines


EESDTV

9 views

Mga pangyayari sa pilipinas

Ang Pagkubkob ng Baler (Sitio de Baler ) ay isa sa mga laban na naganap noong Himagsikang Pilipino . Inilatag ng mga Rebolusyonaryong Pilipino ang pagkubkob sa isang pinatibay na simbahan na ginawang kuta ng mga kawal na Kastila sa bayan ng Baler, Aurora, sa loob ng 337 araw, mula Hulyo 1, 1898 hanggang Hunyo 2, 1899.

Show More

Ang digmaan ay natapos sa Kasunduan sa Paris noong 10 Disyembre 1898, sa pagsuko ng Espanya at pag-aangkin sa Pilipinas ng Estados Unidos. Bagamat nawalan na ang mga Espanyol ng pakikipag-ugnayan sa sarili nilang gobyerno at militar, ipinagpatuloy pa rin ng kanilang pwersa sa Baler ang kanilang depensa laban sa mga Pilipino hanggang 1899.

Ang Baler ay matatagpuan sa silangang baybayin ng Luzon, may 225 kilometro (140 milya) mula sa Maynila . Ang Himagsikang Pilipino laban sa kolonyal na pamumuno ng mga Espanyol ay nagsimula noong 1896. Noong Setyembre 1897, kinuha ng mga Kastila ang Baler kasama ang 50 cazadores sa ilalim ng pamumuno ni Tenyente José Mota, upang mapigilan si Emilio Aguinaldo na makadaklot ng mga nakaw na armas. Ang mga puwersa ni Mota ay sinalakay noong gabi ng ika apat na araw ng Oktubre ng mga tauhan ni Novicio. Nasawi si Mota at anim pang Kastila, nasugatan ang ilan at nakuha ng mga Pilipino ang 30 Mauser rifles ng mga Espanyol. Ang unang yugto ng rebolusyon ay natapos sa Kasunduan sa Biak na Bato noong 1897.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press