Makasalanang Maria bakit ginawang Immaculada?


Roma 3:23 sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.

Kung ang mahal na Birheng Maria ay walang bahid ng kasalanan, bakit ayon sa Roma 3:23, lahat ay nagkasala?

Show More

Bumalik tayo sa original Greek Translation ng Roma 3:10. Ang katumbas ng salitang LAHAT sa wikang Griyego ay "πάντες" o "PANTES". Ang root word ng "PANTES" ay "PAS" na ang ibig sabihin sa english ay "MAJORITY" o karamihan sa wikang Filipino at hindi "EVERY SINGLE ONE".

Isa pang matibay na dahilan kung bakit hindi dapat literal ang pag-unawa sa nakasulat sa Roma 3:10 ay.....

🤔Kung LAHAT nga ay nagkasala, e di kasama na rin dito ang Panginong Jesus dahil siya ay tao rin.

🤔Kung LAHAT nga nagkasala, e di kasama na rin dito ang mga sanggol.

Kung LITERAL pala ang usapan at gagayahin natin kung paano mag-isip at umunawa ang mga Anti-Catholics, mangangahulugan na ang buong mundo ay sumunod sa Panginoong Jesus.

📌Juan 12:19
Kaya't nasabi ng mga Pariseo, “Nakikita ninyong walang nangyayari sa mga ginagawa natin. Tingnan ninyo, sumusunod sa kanya ang BUONG MUNDO!”

⚠️TANONG: Buong mundo ba ang sumunod sa Panginoong Jesus?

📌Mateo 3:5
Dinarayo siya ng mga tao mula sa Jerusalem, sa buong Judea at sa magkabilang panig ng Ilog Jordan.

⚠️TANONG: Lahat ba ng mga taga-Judea ay nagpabinyag kay San Juan Bautista?

Samakatuwid, hindi porque nakabasa lang tayo ng salitang "LAHAT" eh literal na lahat na dahil ito ay maaring mangahulugang "MAJORITY" o karamihan.

⚠️TANONG: Paano naman naging walang kasalanan ang Mahal na Birheng Maria?

SIMPLE lang.

Dahil ang Mahal na Birheng Maria ay FULL of GRACE.

📌Luke 1:28
And he came to her and said, “Hail, full of grace, the Lord is with you!”

Kung ang isang tao ay "FULL of GRACE" wala nang puwang pa ang KASALANAN.

Kung kukuwestyunin ng mga Anti-Catholics ang pagkakaroon ng "FULL of GRACE" ng Mahal na Birheng Maria, para na rin nilang kinuwestyon ang Panginoong Dios, dahil ang Dios mismo ang nagkaloob nito sa Mahal na Birhen.

Nawa

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press