MAKE YOURSELF MENTALLY STRONG - MOTIVATIONAL VIDEO


JSB Heartening

3,036 views

Gusto mo na bang sumuko? Kung gusto mo na, hindi ba masasayang ang mga inumpisahan mo? Marami na rin ang nagtatanong sa 'kin kung paano iangat ang buhay kung sukong-suko ka na. Dalawa lang ang sagot ko. Magtiwala ka sa Diyos at magtiwala ka sa sarili mo. Nakakaranas na rin ako ng matinding pagsubok sa buhay at posibleng makakaranas pa ako. Hindi mo alam kung ilang gabi akong hindi nakatulog sa kakaisip ng aking kinabukasan. Hindi mo alam na nawalan ako ng pag-asa noon. Hindi mo alam kung ano ang mga pinaghuhugutan ko sa buhay. Maraming tao ang nakakakita ng magandang resulta. Hindi nila alam kung ano ang paghihirap ko para makamit ko ito. Iniisip nila na hindi pa ako nakaranas ng stress sa tanang buhay ko. MALI. Ang buhay ang paborito kong guro. Tinuturuan ako ng buhay ng maraming bagay. Kaya ngayon alam ko na, at gusto kong ibahagi sa 'yo, na ang paghihirap mo ngayon, basta't magpatuloy ka lang sa ginagawa mo, magbubunga 'yan. Hindi ako nagbibiro. Isipin mo ang mga taong hindi naniniwala sa 'yo. Patunayan mo sa kanila na kaya mo. Isipin ko kung bakit mo pa inumpisahan kung aayawan mo lang pala sa huli? Panandalian lang ang sakit at pagod na nadarama mo ngayon. Mapapawi 'yan kapag nakamit mo na ang tagumpay. Oo mahina ka ngayon, pero 'yan ang dahilan kung bakit tumatag ka. Bawat bato ng panahon ng negatibong sitwasyon, mahuhulma nito ng dahan-dahan ang iyong karakter, ang iyong katawan, ang iyong mentalidad.

TRANSCRIPT: https://bit.ly/3DbyyaH

Show More

▶ Infraction - No Copyright Music

Sad Background Music by Infraction [No Copyright Music] / Drama
https://youtu.be/-wo-4SS2SzI

--------------------------------------------------------------------------------------------

Hi everybody. This is JSBHeartening. Welcome to my place. I write and speak these speeches myself.

If you need some material or want to do some sort of business, feel free to contact me: crazemaniatv@gmail.com

--------------------------------------------------------------------------------------------

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press