MAKINIG, UMUNAWA, AT GUMAWA (BINHI NG PANANAMPALATAYA MO)


LIVE|CFCI Center|July 15,2023

Sa ating Mabuting Balita ngayon ay ikinekwento sa atin ang pagtuturo ng ating Panginoon sa pamamagitan ng talinghaga. Lingid sa kaalaman ng tao, ang talino na ibinigay ng Diyos sa kanyang Anak dahil ang talino na iyon ay nagmula sa Ama at nasusulat sa sulat ni Santiago na ang talinong ito ay nagdudulot ng pagkakaisa, pagiging dalisay, hindi nagtatangi at nagdudulot ng mabuti na siyang makikita at maririnig natin ngayon sa Mabuting Balita.

Show More

Minsan sa ating buhay napakarami nating talinhaga na hindi rin natin maintindihan. Minsan napapatanong tayo kung bakit nangyayari sa atin ang mga bagay na hindi natin nais, kung bakit mayroon tayong karamdaman o kung bakit nagdaranas tayo ng kahirapan at sa pagiging tao pilit nating hinahanap ang kasagutang iyon sa pamamagitan ng mga makamundong bagay. Hindi na natin nakikita na yung puwang na nagdudulot ng mga bagay na hindi natin gusto ay ang puwang na kung saan dapat naroon ang Diyos. Naroon siya bilang sentro at nangunguna sa ating buhay. Sa sabadong ito naisin natin na bigyan tayo ng pananampalataya na kahit hindi natin maintindihan alam natin na Diyos lang nakakaalam at Diyos lang ang may kontrol sa ating buhay. Maging binhi ng ating pananampalataya ang mga karunungang nagmumula sa Diyos at tinuro ng ating Panginoon upang sa gayon ay ano mang pagsubok na ating haharapin ay hindi tayo mangangamba dahil alam natin na ang ating binhi ay ang pananampalataya natin sa Diyos na siyang lumikha sa lahat.

Ating ayain ang ating mga ka-pamilya, kaibigan, at mga katrabaho!

Sabay sabay po tayong magpuri at sumamba sa Diyos Ama!

You are More Than Enough Philippines
Please Subscribe to our YouTube Channel and hit the bell button for more updates!
https://www.youtube.com/channel/UCZZx...

TESA Official
https://www.youtube.com/channel/UCq9v...
Also Please like and follow our Facebook page:
https://www.facebook.com/YouAreMoreTh...
https://www.facebook.com/thessalonian...

Don't forget to leave a comment on

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press