Makulay na Pasko | CFC Christmas Song 2024


Presenting the Couples for Christ Christmas song "Makulay na Pasko" 🎄

When the Light is present, colors come alive. And Jesus, the ultimate Light, becomes the reason for the colors to come into our lives. This Christmas, let His light fill your homes, turning every struggle into a testament of grace and every moment into a celebration of joy. Let us embrace a colorful Christmas, knowing His love shines brightest even in the darkest times.

Show More

----------

MAKULAY NA PASKO

Verse 1
Lagi ang laman ng isip ay pangamba
Ang puso na takot umibig ay natuto na
Magmamahal parin dahil lubos na pinagpal
May bagyo man o wala sa puso ko’y nandito Ka

Pre-Chorus:
Ano mang dilim ang kailangang harapin
Ang liwanag Mo’y patuloy na magniningning

Chorus:
Dahil ang pasko ay ang pinakamakulay
Na araw sa mundo dahil Ikaw ay dumating
Magliliwanag ang mundo, magmumula sa puso ko
Dahil ang liwanag na taglay ay ang pag-ibig Mo

Verse 2
Payapa ang damdamin sa’Yong pagmamahal
Katulad ng Paskong may himig ng pagkaka-isa
Magkaiba man tayo, pareho ang patutunguhan
Isang Manlilikha ang ating pinagmulan

Pre-Chorus
Chorus

Bridge:
Magalak dahil Ikaw ay kapiling
May tapang na humarap sa mundo
Malayo man ay muling magbabalik

Babalik, babalik Sa’yo, Ikaw ang tahanan ko
Babalik, babalik Sa’yo, Sa piling Mo makulay ang Pasko!

Coda:
May ngiti at kagalakan
May lakas at buo ang tapang
Malayo man ay magbabalik parin Sa’yo (2x)

Rejoice, take courage and
Return to the Lord! (3x)

Chorus:
Dahil ang pasko ay ang pinakamakulay
Na araw sa mundo dahil Ikaw ay dumating
Magliliwanag ang mundo, magmumula sa puso ko
Dahil ang liwanag na taglay ay ang pag-ibig…

Dahil ang pasko ay ang pinakamakulay
Na araw sa mundo dahil Ikaw ay dumating
Magliliwanag ang mundo, magmumula sa puso ko
Dahil ang liwanag na taglay ay ang pag-ibig Mo.

-----
Makulay na Pasko
Words and Music by Bimbo Yerro
Arranged and Produced by Karlo Gutierrez
Performed by: Roseberry Dulla & Bimbo Yerro
Featuring: GMC Choir, Leah Custodio, Ebbe Bragais,

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press