MALAYO MAN ANG PAGITAN | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG (HUGOT) | MERCY BLESS
MERCY BLESS
"KAHIT MALAYO MAN ANG PAGITAN"
By: Ian Joshua Ejar
Produced by : Mercy Bless
Sa panibagong araw na haharapin ko,sa panibagong landas na tatahakin ng mga paa ko.
Mananatiling kalmado ang puso ko hambang hinihintay ang tamang panahon na muli kang
masilayan mahal ko.
Dahil sa bawat oras na ikaw ang nasaisip ko, habang akoy nakatitig sa mga larawan mo, ay
siyang katumbas ng ngiti na 'di matutumbasan ng lungkot na nararamdaman ng puso ko.
Hindi man ako ang iyong kasama at kahit malayo man ang pagitan nating dalawa,ay mananatili
ka sa aking mga alaala habang putuloy kong inilalathala ko ang ating istorya, nang sa gayun pa
man ay parti ka ng aking kabanata.
At kung sakaling dumating man yung oras na mapagod ako,sa panahong gusto ko nang
sumuko sana'y iyong mapagtanto na minahal kita ng totoo at ibinigay ko ito ng buo.











