MALAYO PA, PERO MALAYO NA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

343 views

Dadating talaga tayo sa punto ng buhay na
Parang gusto nalang nating ihinto muna oras
At magpahinga
Pero wala tayong ibang pagpipilian kundi
Ang magpatuloy na lumaban

Walang mangyayari kapag hihinto
Di uusad kapag susuko

Show More

Kaya sa nakakapagod na pahina ng buhay
Minsan ang kailangan mo lang ay konting tulak
Konting hakbang at kaonting ngiti

Dahil sa kabila ng lahat
Alam mong may hangganan din ang lahat

Pero di talaga maiiwasan na gusto mo nalang sumuko
Dahil nga kahit na anong pilit mong bumangon
Sa kay tagal na panahon
Di mo parin alam kung saan ka paroroon

Ilang mga kasabihan na ang naubos
Kasabay naman nito ang iyong pagkaubos
Ilang kabanata na ang napagdaanan
Hanggang ngayon parang wala paring papupuntahan

Kung sa lahat ng aking nabanggit
Isa ka sa nakakaranas nito sa kasalukuyan
Gusto kong sabihin sayo na
Ganyan talaga ang buhay

Minsan dadalhin ka nito sa itaas
Para ipakita sayo na lahat ng gusto pwede mong marating
At minsan dadalhin ka nito sa ibaba
Para ituro sayo na
Pwede ka maging masaya kahit di mo pa naabot ang gusto mo sa buhay
At matutunan mong ring magpasalamat sa
Kung ano man ang meron sayo habang nabubuhay

Na ang kaligayahan ay di lang manggaling sa material na bagay
Kundi sa kung paano ka rin magpahalaga sa maliliit na bagay
Dahil minsan binabaliwala nalang natin ito
Dahil nakasanayan na na meron tayo nito

Ang sikat ng araw, ang malamig na simoy ng hangin
Ang paghinga ay isa lamang sa halimbawa na
Nakakaligtaan nating pahalagahan at pasalamatan

Dahil aminin natin
Mas napagtutuunan natin ng pansin
Ang mga bagay na gusto nating abutin
At nakakalimutan natin
Ang mga bagay na meron na sa atin

Kaya siguro tayo mabilis mapagod
Dahil lagi nalang tayo nakatingin sa hinaharap
at nangangarap ng nangangarap
at nauubos ng nauubos

kapag nararanasan mo ito
subukan mong balikan kung saan ka nagsimula
at tingnan mo kung saan kana ngayon
napakalayo mo na diba?

Kaya kapag napapagod kana
At parang gusto mo ng sumuko
Pwede ka namang magahinga
At pahalagahan

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press