MALIGAYANG SINASAMBA Piano Instrumental with Lyrics | Joyful, Joyful We Adore Thee - Tagalog

297 views,

Deovincci Dasig

9,450 views

Lyrics from UCCP Tagalog Traditional Hymnbook
Piano by @deovinccidasig

Follow us on Facebook:
web.facebook.com/Deovincci

Listen on Spotify: rb.gy/kupcv4


VERSE 1:
Maligayang sinasamba
Aming Diyos ng pagsinta
Ang bulaklak ang kagaya
Na hamog ng pag-asa

Tunawin ang madlang sala
At lahat ng pangamba
Taga-bigay ng ligaya
Kami'y punuin Mo na

VERSE 2:
Naliligid Ka ng galak
Sinag Mo'y namamarak
Sa palibot Mong marilag
Ay nagpupuring lahat

Bundok, parang, gulod, gubat
Bulaklakan sa dagat
Maging awit sa lagaslas
Puri sa 'Yo ang saad

VERSE 3:
Nagpapatawad Kang tunay
At laging mapagbigay
Batis ng t'wang pamumuhay
At ng kapahingahan

ika'y Amang mapagmahal
kapatid pang karamay
sa pag-ibig ay turuang
may kagalakang banal

VERSE 4:
Kami'y samahan sa awit
Na nanggaling sa langit
Pagharian ng pag-ibig
Madlang magkakapatid

Sa paglakad ay ihimig
Tagumpay sa ligalig
Sa t'wa't mapagwaging tinig
Samahan sa pag-awit

Related Videos

 /