MASAYA KA PA BA | SPOKEN POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

258 views

MASAYA KA PA BA?
BY: MERCY BLESS

ako pa ba
ako pa ba ang dahilan
kung bakit ka nananatili?
ako paba ang dahilan
ng matatamis mong mga ngiti?

Show More

tapatin mo ako

ako lang ba ang laman ng puso mo?
o meron pang nakalaang espasyo para sa kanya?

sa kanya
na naging dahilan
kung bakit ang puso ko
ay puno ng katanungan

katanungan
kung saan ako nagkulang
at kung bakit hinayaan mong
ako’y masaktan na lang

ganyan ba ako ka walang kwenta sayo
na kaya mong kalimutan lahat lahat ng meron tayo
para lang sa isang taong walang ibang ginawa
kundi ang sarain ang tiwala ko sayo?

hhhh wala nga pala akong karapatan
na itanong iyan

dahil pareho niyo namang ginustong
saktan ang puso kong talunan

oo talo na ako

dahil ako itong lumalaban ng mag-isa
at hinahyaaang kang manatili
kahit na harap harapan mo ng pinbapadama
na baliwala lang ako sayo
pinapadama na
“ako lang to”

ako na mahal na mahal ka
at ikaw na minamahal kahit may mahal ng iba

oo tanga na kung tanga
ganun naman diba kapag nagmahal ka
kahit na minsan ay nagmumukha ka ng katawatawa

ay wala kang pakialam
dahil tinitiis mong mahalin yung taong
walang ibang ginawa
kundi ang lokohin ng paulit-ulit
na kahit sobrang sakit
pinili mo paring ipilit

kaya kung ang isasagot mo
sa katanungang
masaya ka paba?
ay hindi na

wala rin namang magbabago

dahil matagal ko ng ramdam
‘na wala akong halaga sayo
na wala akong karapatan
sa pagmamahal na galing sayo

di mo na kailangang magpaliwanag
di mo na kailanagn pang ipaliwanag
dahil alam kong sa dulo
ako lang rin naman ang masasaktan
ako lang rin naman ang mahihirapan

na sa punto palang na
sayo ko mismo mapapakinggan
ang kanyang pangalan
ay tiyak na madudurog mo na
ang puso ko ng lubusan

kaya pipiliin ko nalang na magkunwari
hahayaan ko na lamang na pagmasadan ka
kesa ma wala ka pa
hahayaan ko na lamang na masaktan ng sobra
hanggat nasasaakin pa

kaya
mga papel at pluma lamang
ang saksi ng bawat pagluha
paghiyaw at pagkadurog
ng pusong walang ibang ginawa

kundi ang intindihin
ang tanggapin

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press