Matigas Na Ba Ang Puso Mo? Part 3 (The Hardened Heart)


Join our Online Discipleship Group, register here: https://forms.gle/TrfuEdmkWYc5dR5u7

Kaibigan, ito mismo ang pag-uusapan natin ngayon. Tinutuloy natin ang series natin na “Heart Check,” at ang mensahe natin ay may pamagat na “Ang Matigas na Puso.” o The Hardened Heart” At gusto kong sabihin agad sa iyo na hindi lang ito tungkol sa mga Israelitang matagal nang patay na, o sa mga relihiyosong tao noon. Hindi, ito ay tungkol sa iyo. Sa akin. Sa atin. Sa mga puso nating madaling mapagod, madaling magtampo, madaling mapalayo sa Diyos kapag hindi natin bantayan.

Show More

Tandaan mo, ang pagiging matigas ng puso, hindi yan nangyayari overnight. Hindi yan parang switch na isang pindot lang, matigas na agad. Para yang tinapay sa counter, unti-unti. Kapag paulit-ulit mong tinatanggihan ang paalala ni Lord. Kapag lagi mong dini-delay ang pagsunod. Kapag sinasarili mo ang mga laban mo sa buhay, imbes na lumapit ka sa Kanya at makipag-palakasan kasama ang kapatiran gaya ng isang discipleship group, dyan nagsisimula ang katigasan ng puso.

Baka iniisip mo ngayon, “Eh Pastor, hindi naman ako ganun. Nagbabasa ako ng Bible. Nagcha-church ako. Mahal ko si Lord.” At totoo ‘yan. Pero gusto kong i-remind ka, yung mga Pharisees, kabisado ang first five books of the Bible. Yung mga Israelita, nakita si Lord na naghiwalay ng dagat at nagpaulan ng manna. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi sila nakapasok sa promised land. Bakit? Kasi tumigas ang puso nila.

Kaibigan, kung nararamdaman mong medyo nanlalamig ka na, kung worship feels like routine, kung quiet time feels like chore, kung mas madalas mo nang piliin ang convenience kesa conviction. Ito na ang oras para magising. Ito ang paalala ng Diyos sa iyo ngayon na huwag mong patigasin ang puso mo.

At kung ikaw naman ay nasa magandang spiritual state ngayon, praise God! Pero wag mong isipin na exempted ka. Kasi kung hindi tayo magbabantay ng tuloytuloy, kahit tayo ay pwedeng tamaan ng “silent hardening” ng puso. Kaya itong mensahe na ito ay

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press