May Kapatawaran sa Taong Nagkasala
KaVlogger Bro. Joel Padilla
Ilang beses na tayong nakagawa ng kasalanan, at minsan nakakagawa tayo ng kasalanan na hindi natin sinasadaya. At minsan din nagawa ang kasalanang ito dahil narin sa kagagawan ng iba. At ang masakit pa nito, kahit lumapit na tayo at humingi ng kapatawaran sa mga nagawa nating kasalanan, ay ayaw nilang tanggapin. May mga pagkakataon din at sadyang nangyayari din sa buhay natin na malayo na kasi sila, o kaya hindi mo na alam kung saan na sila, kaya hindi ka na nakakahingi pa ng tawad. Ang iba pa nga ay nasa ibang bansa na, o kaya namatay na sila. Kaya maaaring sumagi sa isip mo na paano na lang kaya ito kasi huli ko na nalaman na dapat pala humingi ng tawad sa aking mga pagkakamali doon sa nagawan ko ng kasalanan. Ito pa ang mas masakit yoong ayaw ka nilang patawarin. Siguro narin dahil labis o subra silang nasaktan. Ngayon mas lalo kang nakokonsensya sa mga nagawa mo, kasi ang kabayaran ng kasalanan ay KAMATAYAN sabi sa Roma 6:23 paano na lang kaya ito? Dito papasok ang mensahe na nais kung ipaabot sa iyo na may nagmamahal na Diyos sa iyo at Siya lang ang Magpapatawad sa lahat ng nagawa mong kasalanan mula noong ipinanganak tayo sa mundong. Nais mo bang malaman kung paano? Tara samahan mo ako sa iilang minuto ng pag-aaral ng Salita ng Diyos kung ano nga ba ang pag-asa ng isang taong nagkasala? God bless sa panonood at pakikinig po...