May Magandang Mangyayari sa Inyo Ngayon! Makakatanggap ng Mabuting Balita ang Inyong Pamilya! Amen!


Sa mga naghahangad sa pagbabalik ng Panginoon, ang araw na ito ay magiging isang magandang araw sa inyong buhay. Bakit namin ito sinasabi? Sapagkat ngayon ay masasalubong niyo ang pagbabalik ng Panginoon! Nagbalik na ang Panginoong Jesus sa ikalawang pagkakataon, nagdadala sa atin ng walang hanggang kaligtasan, upang linisin at iligtas tayo mula sa kasalanan at pagdurusa, at akayin tayo sa kaharian ng Diyos.

Kung nais niyong matanggap ang pagliligtas ng Panginoon sa mga huling araw kasama ang inyong pamilya at makatakas sa buhay ng pagdurusa, inaanyayahan namin kayong dumalo sa aming study group sa pamamagitan ng WhatsApp link na nasa homepage ng aming channel.

Show More

Hayaang ibahagi ko sa inyo ang isang sipi ng salita ng Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bagama’t dumating si Jesus sa gitna ng tao at gumawa ng maraming gawain, kinumpleto lamang Niya ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan at nagsilbi bilang handog para sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis sa tao ang lahat ng tiwaling disposisyon nito. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensiya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan na si Jesus ay maging handog para sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang satanikong tiwaling disposisyon nito. Kaya, pagkatapos mapatawad ang tao sa mga kasalanan nito, nagbalik ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan Niya ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na antas. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at makakamit nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press