MGA GAWAING LITURHIKAL AT ALITUNTUNIN SA PAGDIRIWANG NG NAZARENO 2023


Quiapo Church

232 views

NAZARENO 2023

Isang mapagpalang araw sa inyong lahat! Nawa’y sa panahong ito, tayo’y nagninilay, nagdarasal, at mataimtim na naghahanda para sa pinakahihintay nating pagdiriwang ng Ating Diyos at Hari. Ito po ang… NAZARENO, BENTE BENTE-TRES!

Show More

Matapos po ng napakahabang panahon, magbabalik po tayo sa ating pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno. Ang tema po natin ngayon ay hango sa Ebanghelyo ni San Lucas, kabanata labing-isa, at bersikulo dalawampu’t walo: “MAPALAD ANG MGA NAKIKINIG SA SALITA NG DIYOS AT TUMUTUPAD NITO.” Lk. 11: 28
… at ang katesismo mula sa Sampung Utos na ating pagninilayan ay ang ikalawa: “Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Diyos sa walang kabuluhan.” Exo. 20: 4-6

Kaya’t ina-anyayahan po namin kayo na ipagdasal ang ating mga pagdiriwang na maging ligtas at makahulugan para sa ating lahat.

Idulog po din natin sa Poong Hesus Nazareno na tuluyan nang humupa at makahanap ng lunas sa salot na COVID-19.

Sa atin pong paghihintay at paghahanda, huwag po nating kalimutan ang wika ng Ating Poong Hesus Nazareno sa ating mga deboto: “Higit na mapalad ang mga nakikinig sa Salita ng Diyos, at tumutupad ito!”

Magkita-kita po tayong lahat sa ating pagdiriwang ng Nazareno, Bente-bente Tres!

VIVA, POONG HESUS NAZARENO!

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press