Mga Nagpapanggap at Nanlilinlang na mga Tagapagturo
Ang mga aral tungkol sa biyaya ng Dios ay pinagkatiwala niya sa mga taong pinabanal niya at ito ay hindi maaring baguhin. Mayroong mga taong pilit binabago ang aral na ito upang makagawa ng kalaswaan. Tinalikuran nila ang Panginoong Jesu-Cristo na nagmamay-ari ng buhay. Silaʼy mga taong walang Dios na noon pa man ay nakatakda nang parusahan ayon sa Kasulatan. Malaki ang kaparusahan ng hindi pagkilala sa Dios. Ma ihahalintulad ang kaparusang ito noon sa mga israelitang iniligtas ng Dios ngunit hindi kumilala sa kanya o di kaya'y sa mga anghel na nag himagsik sa Dios sa langit. Gonon din sa nangyari sa Sodom at Gomora.











