MONEY IS NOT THE ROOT OF ALL EVIL (AWAKENING) | BRAIN POWER 2177
Brain Power 2177
Video Title: MONEY IS NOT THE ROOT OF ALL EVIL (AWAKENING) | BRAIN POWER 2177
Join this channel to get access to perks:
https://www.youtube.com/channel/UC3LLn6bPkCStfCHKShTZrrQ/join
Show More
So what I have here is 100K, I'm showing you this not to brag, but I want to talk with you about the REAL TRUTH about money. May mga nagsasabing “Pera ang nagpapaikot sa mundo.” Medyo totoo naman, 'di ba? Kailangan natin ng pera para makabili tayo ng pagkain at damit, at makapagbayad ng renta o makabili ng bahay. Talagang napakahalaga ng papel ng pera sa lipunan. Kung mawawala ang pera bilang pambayad, magkakaroon ng kaguluhan at giyera sa loob lang ng isang buwan. Pero siyempre, may mga limitasyon ang pera. Ang pera ay makabibili ng pagkain, pero hindi ng gana; makakabili ka ng gamot, pero hindi ng kalusugan; makakabili ka ng malambot na higaan, pero hindi ng tulog; mababayaran mo ang kaalaman, pero hindi ng karunungan; mababayaran mo ang kaningningan, pero hindi ng kagandahan; mababayaran mo ang kasikatan, pero hindi ng pagmamahal; mababayaran mo ang katuwaan, pero hindi ng kagalakan; makakabili ka ng kakilala, pero hindi ng kaibigan; mababayaran mo ang lingkod, pero hindi ng katapatan.
Kapag balanse ang pananaw ng isang tao sa pera—na itinuturing itong kasangkapan lang para maabót ang kaniyang tunguhin—magiging kontento na siya. Nagbababala ang Bibliya, sa 1 Timoteo 6:10,
“Dahil ang pag-ibig sa pera ay ugat ng lahat ng uri ng nakapipinsalang bagay, at dahil sa pagpapadala sa pag-ibig na ito, ang ilan ay nailihis sa pananampalataya at dumanas ng maraming kirot.”
Take note ha, ang pag-ibig sa pera, hindi ang pera mismo, ang ugat ng kasamaan. Ang maling pananaw sa pera ay puwedeng magtulak sa mga tao na maging mapanghusga. Halimbawa, baka isipin ng isang taong mayaman na ang mahihirap ay napakatamad at ayaw magsikap na umasenso. O baka isipin agad ng isang mahirap na ang mayayaman ay materyalistiko o gahaman. Pagdating sa pera, ang payo ng Bibliya ay praktikal pa rin sa ngayon.











