Mula Sa Aking Puso Song Lyrics | Singer: Carlo David


6,070 views

*Mga Tagalog na kantang Pagmamahal, Pagpupuri at Pagsamba sa Diyos/Filipino Christian songs to Praise and Worship God.

Get more videos:
https://www.youtube.com/channel/UCx77tpYGFlym-A08wD8JM2Q
Facebook Page:
https://www.facebook.com/Christian-Love-Songs-111057573634086/

Show More

Mula Sa Aking Puso Song Lyrics
Singer: Carlo David
Composer: Joseph Ponce

Nais ko sanang awitan Ka ngayon, Panginoon
Di dahil panalangin ko'y tinugon kahapon
Nais kong sumamba 'di rin dahil may problema na naman
Kundi sadyang 'di ko lang maunawaan

Oh Dios ako'y nagtataka lang talaga
Kung ba't sa'Yo'y gano'n na lang ako kahalaga
Oh Dios bakit ba?

Iniwan Mo ang langit
Para lang sabihing
'Di ako mag-isa
At kahit pa no'ng una
'Di Ka pa kilala
Ako'y inibig Mo na
'Di ko alam ang dahilan
Gano'n pa man
Mula sa aking puso
Ako'y nagpapasalamat sa'Yo
Salamat sa pag-ibig Mo

Bukod sa pagsamba may iba pa bang maaari kong gawin
Para man lang pasasalamat ko'y aking maiparating
'Di man sapat ito lamang ang makakaya kong gawin
Panginoon, sana'y Iyong dinggin

Ako'y namamangha lang talaga
Kung ba't sa'Yo'y gano'n na lang ako kahalaga
Oh Dios bakit ba?

Iniwan Mo ang langit
Para lang sabihing
'Di ako mag-isa
At kahit pa no'ng una
'Di Ka pa kilala
Ako'y inibig Mo na
'Di ko alam ang dahilan
Gano'n pa man
Mula sa aking puso
Ako'y nagpapasalamat sa'Yo
Salamat sa pag-ibig Mo

'Di naman mababawasan ang 'Yong kadakilaan
Kung 'di Mo ko inibig, Oh Dios
Ngunit ika'y sadyang kakaiba
Karapat-dapat sa pagsamba
Pagsamba

Iniwan Mo ang langit
Para lang sabihing
'Di ako mag-isa
At kahit pa no'ng una
'Di Ka pa kilala
Ako'y inibig Mo na
'Di ko alam ang dahilan
Gano'n pa man
Mula sa aking puso
Ako'y nagpapasalamat
Tanggapin ang awitin
Ito man ay hindi sapat
Panginoong Hesus, ang papuri ko'y alay sa'Yo
Salamat sa pag-ibig Mo

*photos/video clips/song/singer/artist/author CREDITS to the OWNER
*Singer: Carlo David
*Composer: Joseph Ponce
*Animation video ©

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press