Muling Mag-isa | Spoken Word Poetry ( tagalog ) | MERCY BLESS


MERCY BLESS

25 views

Muling mag-isa
BY: MERCY BLESS

Parang kalian lang na tayong dalawa’y magkasama
Na tila mga kamay nati’y di mapaghihiwalay
Dahil Oo
Nangako tayo sa pag-ibig na pang habambuhay
Ngunit di natin nakayanan
Dahil matapos ang lahat ng ating pinagdaaanan
Sa ligaya o pagsubok man
Lahat nang iyon ay nabaliwala
Dahil lahat ay natapos sa wala

Show More

Akala ko noon
Tayo
Akala ko noon
Wala ng hangganan ang lahat ng ligaya
Hanggang dito lang pala
Dahil sabi mo di ko na kaya

Ano ba ang rason
Ba’t di mo na kayang ipaglaban ang pagmamahalan nating iningatan
Ako ba ang dahilan ba’t mo ako sinukuan?
Dahil kung ako man
Patawad, sapagkat minahal lang naman kita
At wala na akong ibang hinangad kundi ang lumigaya ka

Ngunit kahit na anong ingat ko
Di parin tayo nakatakas sa kinakatakutan ko
Tinapos mo parin ang kwento nating binuo
At heto mag-isa muli ako

Muling mag-isa
Ngunit ito’y magkaiba nung di pa kita nakilala

Dahil noon di naman ako nahihirapan ng ganito
Di naman ako nasasaktan ng ganito

Kung pwede nga sanang ibalik ang dati
Ay sana wala nang ikaw na dumating sa buhay ko
Pero wala na akong magagawa
Dahil tapos na, at tinapos mo na
Ang mga pangakong sabay sana nating tutuparin

Muling mag-isa
At hinihilum ang puso ng mag-isa
Di ko aakalaing ito ang maging hangganan
Ng relasyong noon sabay naman nating pinaglalaban

Wala ng kasabay
Wala ng pagsasabihan
Wala ng kakampe
Wala ng susuporta
Dahil wala ng ikaw

Wala na ang taong minahal ko
Ang taong akala ko sasamahan ako hanggang sa dulo

Muling mag-isa
Dahil may natagpuan ka ng iba
At sa puso mo’y may nagmamay-ari na

Ngunit kahit ganoon ang nangyari sa atin
Alam kong minahal kita
Kaya kahit na masakit sa akin na iba na ang iyong kasama
Basta’t nakikita ka lang na masaya
Ipapaubaya kita sa kaniya
Kung siya talaga ang sayo’y makapagpapaligaya
At makapagbibigay na pag-ibig na di ko nakayanang pantayan nung tayo pa
Papalayain kita

Huwag kang mag-alala
Dahil kahit muling mag-isa
Pipilitin kong maging masaya
Kahit na sobrang sakit na nakikita

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press