MUNTING PANALANGIN ni #FrJunNgQuiapo ngayong Araw ng Biyernes | Hunyo 28, 2024 #Prayer #QuiapoChurch


Quiapo Church

108 views

Araw ng Biyernes, araw ng Debosyon, araw ng mga Deboto, araw ng ating pinakamamahal na Nuestro Padre Jesus Nazareno.

[Magdasal po tayo] Mahal na Poong Jesus Nazareno, naririto na naman kami Inyong mga deboto. Lumalapit kami sa Inyo ng buong-loob sapagkat nais naming ipakita sa Inyo ang aming marubdob na debosyon at pananampalataya. Nais naming ipakita sa mundo, kami Iyong mga deboto, ngunit Mahal na Poon, maipakita rin nawa namin sa Iyo ang tunay na pagtitiwala. Hindi po ang ibig naming kung hindi ang ibig po Ninyo ang mangyari, ang kalooban Ninyo, ang pamamaraan at panahon Ninyo ang maghari sa amin.

Show More

Mahal na Poong Jesus Nazareno, sana po katulad Ninyo, maging buo din ang loob naming gumawa ng mabuti, maging daluyan ng kagalingan, kabutihan at pagmamalasakit sa aming kapwa lalong-lalo na ‘yung mga nahihirapan, inaapi, at nag-iisa, at walang boses sa Lipunan. Mahal na Poong Jesus, narito kami, kaawaan N’yo po kami, basbasan N’yo po kami. Amen! Amen!🙏

MUNTING PANALANGIN ni Rdo. P. Jun Sescon, Jr.
Hunyo 28, 2024 - Paggunita kay #SanIreneo, Obispo at martir

#QuiapoChurch #QuiapoDay #Prayer #Panalangin #EverythingIsGrace #BiyayaSaQuiapo #JesusNazareno #Nazareno #FrJunNgQuiapo #BlackNazarene #NuestroPadreJesusNazareno #PoongHesusNazareno #Catholic #Katoliko #SaintIrenaeus #MinorBasilicaAndNationalShrineOfJesusNazareno

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press