MUNTING PANALANGIN ni #FrJunNgQuiapo ngayong ginugunita natin sina #SanJoaquin at #SantaAna


Quiapo Church

180 views

Mahal na Poong Jesus Nazareno, naririto na naman po kami, Iyong mga alagad, Iyong mga deboto. Marami kaming katanungan, marami kaming pagsubok, maraming agam-agam. Kailangan po namin ng Inyong paliwanag. Kailangan po namin ang Inyong paggabay, ang Inyong pag-asa. Mahal na Poong Jesus Nazareno, nawa, ang Iyong salita ay tunay na mag-ugat sa aming buhay upang ang aming pananampalataya hindi manlamig sa panahon ng kagipitan, hindi mawala sa panahon ng paghihirap bagkus lalong tumibay at mamunga sapagkat naririyan ka. Narito kami sa isa’t-isa, nagdadamayan, nagtutulungan, nagbibigay paliwanag at pag-asa.

Mahal na Poong Jesus Nazareno, pagtibayin N’yo po ang aming mga pamilya. Nawa ang aming mga lolo’t lola katulad ni San Joaquin at Santa Ana, maging daan ng karunungan, pagmamalasakit, kabutihan at pagkakaisa. Mahal na Poong Jesus Nazareno, kaawaan N’yo po kami, basbasan N’yo po kami. Amen! Amen!🙏

Show More

MUNTING PANALANGIN ni Rdo. P. Jun Sescon, Jr.
Hulyo 26, 2024 - Paggunita kina #SanJoaquin at #SantaAna
Mga Magulang ng Mahal na Birheng Maria
Ang Lolo’t Lola ng Panginoong Hesukristo

#QuiapoChurch #QuiapoDay #Prayer #Panalangin #EverythingIsGrace #BiyayaSaQuiapo #JesusNazareno #Nazareno #FrJunNgQuiapo #BlackNazarene #NuestroPadreJesusNazareno #PoongHesusNazareno #Catholic #Katoliko #SaintAnne #SaintJoachim #SantaAna #SanJoaquin #MinorBasilicaAndNationalShrineOfJesusNazareno

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press