Munting #Panalangin ni #FrJunNgQuiapo ngayong Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon | #Prayer
Quiapo Church
MAHAL NA POONG JESUS NAZARENO, naririto po kami sa Inyong harapan sapagkat nais namin kayong makita. Sapagkat, kapag nakikita namin kayo, naalala namin na ang tunay na Diyos; Makapangyarihan dahil sa pag-ibig, awa, at pagibigay. At tuwing nakikita namin kayo, pinapaalala N’yo sa amin kung sino kami, kung ano ang kaya naming gawin, kung ano ang dapat naming gawin. Nawa, tuwing makikita ka namin ito ang lagi naming maalala para lalo ka naming matularan sapagkat ang pagkilala at pagtulad namin sa ‘Yo ang maghahatid sa amin, hindi lang sa Krus ng Kaligtasan kung hindi sa buhay na walang hanggan.
Mahal na Poong Jesus Nazareno, Ikaw ang aming salamin, Ikaw ang aming tadhana at kagalakan. Mahal na Poong Jesus Nazareno, kaawaan N’yo po kami, basbasan N’yo po kami. Amen! Amen!🙏
Show More
MUNTING PANALANGIN ni Rdo. P. Rufino Sescon, Jr.
Setyembre 15, 2024 - Ika-24 na LINGGO sa Karaniwang Panahon
Araw ng LINGGO - Araw ng DIYOS - Araw ng SIMBAHAN
#QuiapoChurch #Prayer #Panalangin #EverythingIsGrace #BiyayaSaQuiapo #JesusNazareno #Nazareno #FrJunNgQuiapo #BlackNazarene #NuestroPadreJesusNazareno #PoongHesusNazareno #Catholic #Katoliko #OurLadyOfSorrows #MinorBasilicaAndNationalShrineOfJesusNazareno











