Munting #Panalangin ni #Rdo.FrJunSescon ngayong Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Quiapo Church
ARAW NG DIYOS, ARAW NG SIMBAHAN
Munting #Panalangin ni Rdo. P. Jun Sescon, Jr.
ngayong Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Show More
Mahal na Poong Jesus Nazareno, muli kayong nabuhay upang ibahagi sa amin ang buhay na walang hanggan. Naririto na naman po kami, nais namin, lalo kayong makilala kaya nga’t sana po, mas lalong lumalim ang aming pagdedebosyon, pag-aaral at pagtutuklas sa Inyo. Nais din namin pong, lalo kayong kilalanin kaya nga’t tulungan N’yo po kaming maging tapat at taimtim, maging tunay na taga-sunod, manindigan sa kabutihan, katotohanan, katarungan at kapayapaan at nais din po namin ipakilala kayo sapagkat iyon ang bunga ng tunay na deboto, ang lalo kayong maipakilala, ang lalo kayong mailapit sa mas maraming tao, kaya nga’t nawa, kami maging mga tunay na saksi ng inyong Muling Pagkabuhay.
Mahal na Poong Jesus Nazareno, kaawaan N’yo po kami, basbasan N’yo po kami. Amen! Amen!🙏
#QuiapoChurch #Panalangin #Prayer #BiyayaSaQuiapo #EverythingIsGrace #SimbahanNgQuiapo #Nazareno #JesusNazareno #BlackNazarene #NuestroPadreJesusNazareno #PoongHesusNazareno #Catholic #Katoliko #MinorBasilicaAndNationalShrineOfJesusNazareno











