MUNTING PANALANGIN ni Rdo. P. Rufino Sescon, Jr. | Araw ng LINGGO - Araw ng DIYOS - Araw ng SIMBAHAN
Quiapo Church
MUNTING PANALANGIN ni Rdo. P. Rufino Sescon, Jr.
Araw ng LINGGO - Araw ng DIYOS - Araw ng SIMBAHAN
MAHAL NA POONG JESUS NAZARENO, naririto po kami, umaasa kami sa ‘Yong himala, sa ‘Yong biyaya, sa ‘Yong tulong at alam namin ang una Mong gustong gawin sa amin, mabuksan ang aming puso upang tunay kaming makinig sa ‘Yo. Nawa, hindi kami huminto sa kasagutan ng aming mga dasal.
Opo, Tanggapin N’yo po ang aming mga kahilingan ngunit ihatid N’yo rin po kami sa aming tunay na misyon: ang papurihan Ka at paglingkuran ang aming kapwa, hindi kami huminto sa mga himala bagkus magtuloy kami sa aming misyon.
Mahal na Poong Jesus Nazareno, kaawaan N’yo po kami, basbasan N’yo po kami. Amen! Amen!🙏
Mahal na Birheng Maria, ipanalangin Mo kami!
08 Setyembre; Ika-23 LINGGO sa Karaniwang Panahon
#QuiapoChurch #Homiliya #SalyaSaBiyaya #Nazareno #Catholic #Katoliko #EverythingIsGrace #HappyBirthday #MamaMary #Maria #Mary #BlessedVirginMary #AveMaria #BlessedMother #MinorBasilicaAndNationalShrineOfJesusNazareno