📖❞𝐀𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐮𝐦𝐚𝐰𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐩𝐮𝐫𝐢 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬. -𝐀𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐄𝐳𝐫𝐚 -


Manunulat: Hindi partikular na tinukoy sa Aklat ni Ezra kung sino ang manunulat. itinuturing sa tradisyon na si Ezra ang sumulat ng Aklat ni Ezra. Mapapansin na ng magsimulang mabanggit ang pangalan ni Ezra sa aklat sa kabanata 7, mula roon ginamit na ng manunulat ang panghalip panao na unang panauhan. Ito ang matibay na indikasyon na si Ezra nga ang manunulat ng aklat.

Panahon ng Pagkasulat: Ang Aklat ni Ezra ay malamang na sulat sa pagitan ng 460 at 440 B.C.

Show More

Layunin ng Sulat: Inilaan ang Aklat ni Ezra upang itala ang mga pangyayari sa lupain ng Israel ng makabalik ang mga Israelita mula sa pagkabihag sa Bailonia at ang mga sumunod na taon mula sa humigit kumalang na 100 taon, mulas sa 538 B.C. Ang pangunahing tema ng aklat ay ang pagtatayong muli ng templo. Naglalaman din ang aklat ng talaan ng mga lahing pinanggalingan ng mga Israelita upang ibalik na muli ang pagkasaserdote mula sa angkan ni Aaron.

Mga Susing Talata: Ezra 3:11 "Ang bayan naman ay buong lakas na umawit ng papuri at pasasalamat sa Diyos. Ito ang kanilang awit: Purihin si Yahweh dahil sa kanyang kabutihan ang kagandahang loob niya ay magpakailanman."

Ezra 7:6, "Si Ezra ay isang eskribang may malawak na kaalaman sa Kautusan ni Moises na ibinigay ni Yahweh. Lahat ng hilingin niya'y ibinibigay ng hari pagkat siya'y pinapatnubayan ni Yahweh."

Maiksing pagbubuod: Ang aklat ay nahahati sa mga sumusunod: Kabanata 1-6" Ang unang pagbabalik sa pangunguna ni Zorobabel at ang pagtatayong muli ng templo. Kabanata 7-10"Ang ministeryo ni Ezra. Dahil mahigit kalahating siglo ang lumipas sa pagitan ng kabanata 6 at 7, ang mga karakter sa unang bahagi ng aklat ay nangamatay na sa panahon ng paguumpisa ng ministeryo ni Ezra sa Jerusalem. Si Ezra ang prominenteng tauhan sa mga aklat ng Ezra at Nehemias. Ang aklat ay parehong nagtapos sa panalangin ng pagsisisi (Ezra 9; Nehemias 9) at ang sumunod na pangyayari ay ang pagtatakwil ng mga tao sa mga makasalanang gawain na kanilang kinasadlakan habang bihag sa ibang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press