📖❞𝐇𝐮𝐦𝐢𝐧𝐠𝐢 𝐬𝐢 𝐒𝐨𝐥𝐨𝐦𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐫𝐮𝐧𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧, 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝟐 𝐂𝐫𝐨𝐧𝐢𝐜𝐚 - 𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏-𝟑𝟔 𝐊𝐢𝐧𝐠 𝐉𝐚𝐦𝐞𝐬 𝐕𝐞𝐫𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆
Manunulat: Hindi tiyakang tinukoy kung sino ang manunulat ng aklat ng 2 Cronica. Ang tradisyunal na tinatanggap bilang manunulat ay si Ezra.
Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ng 2 Cronica ay nasulat sa pagitan ng 450 at 425 B.C.
Show More
Layunin ng Sulat: Saklaw ng aklat ng 1 at 2 Cronica ang parehong impormasyon na gaya ng sa 1 at 2 Samuel at 1 at 2 mga Hari. Pinagtutuunan ng pansin ng aklat ng 1 at 2 Cronica ang gawain ng mga saserdote. Sa esensya, ang 1 at 2 Cronica ay pagtataya ng kasaysayang panrelihiyon ng bansang Israel.
Mga Susing Talata: 2 Cronica 2:1, - Ipinasiya ni Solomon na magtayo ng Templo para kay Yahweh at ng palasyo para sa hari"
2 Cronica 29:1-3, "Si Ezequias ay dalawampu't limang taon nang maging hari at dalawampu't siyam na taon siyang naghari. Sa Jerusalem siya nanirahan. Ang ina niya ay si Abia na anak ni Zacarias. Katulad ng kanyang nunong si David, gumawa siya ng kalugud-lugod sa paningin ni Yahweh. Sa unang buwan pa lamang ng kanyang pamamahala, pinabuksan na niya ang mga pintuan ng Templo at ipinaayos ito."
2 Cronica 36:14, - Sumama nang sumama ang mga pinuno ng Juda, ang mga saserdote at ang mamamayan. Nakigaya sila sa nakaririmarim na gawain ng ibang bansa. Pati bahay ni Yahweh na itinalaga niya sa Jerusalem ay kaniyang itinakwil."
2 Cronica 36:23, "Ito ang pahayag ng Haring Ciro ng Persia: 'Ipinaubaya sa akin ni Yahweh, Diyos ng Kalangitan, ang lahat ng kaharian sa daigdig at inutusan niya akong magtayo para sa kanya ng templo sa Jerusalem ng Juda. Kaya, ang sinuman sa inyo na kabilang sa kanyang bayan ay pinahihintulutan kong pumunta sa Jerusalem. Samahan nawa siya ni Yahweh, ang kanyang Diyos."
Maiksing Pagbubuod: Itinala ng aklat ng 2 Cronica ang kasaysayan ng kaharian ng Judah, mula sa paghahari ni Solomon hanggang sa pagtatapos ng pagkatapon sa Babilonia. Nakalulungkot ang pagbagsak ng Judah, ngunit binigyang pansin ang mga taong nanguna sa pagpanibagong sigla sa espiritwal na buong sikap na hinimok ang mga Israelita na magbalik loob











