📖❞𝐀𝐤𝐨❜𝐲 𝐧𝐚𝐬𝐚 𝐠𝐢𝐩𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐭𝐚𝐲𝐮𝐚𝐧,❞ 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝟏 𝐂𝐫𝐨𝐧𝐢𝐜𝐚 - 𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏-𝟐𝟗 𝐊𝐢𝐧𝐠 𝐉𝐚𝐦𝐞𝐬 𝐕𝐞𝐫𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆
Manunulat: Hindi tiyakang tinukoy sa Aklat kung sino ang manunulat. Ang tradisyunal na itinuturing na manunulat ng 1 at 2 Cronica ay si Ezra.
Panahon ng pagkasulat: Ang Aklat ng Cronica ay isinulat sa pagitan ng 450 at 425 B.C.
Show More
Layunin ng Sulat: Saklaw ng Aklat ng 1 at 2 Cronica ang karamihan ng impormasyon na tinalakay din sa 1 at 2 Hari. Higit na binigyang pansin lamang sa 1 at 2 Cronica ang aspeto ng pagkasaserdote. Nasulat ang Aklat pagkatapos ng pagkabihag upang tulungan ang mga Israelitang nagbalik sa Israel na maunawaan kung papaano ang tamang pagsamba sa Diyos. Ang kasaysayan ay nakatuon sa kaharian sa hilaga, ang tribu ni Judah, Benjamin at Levi. Ang mga tribung ito ay mas naging tapat sa Diyos kumpara sa ibang tribu.
Mga susing talata: 1 Cronica 11:1-2, "Ang buong Israel ay nagpunta kay David sa Hebron."Kami ay dugo ng iyong dugo at laman ng iyong mga laman," wika nila. "Nang panahong hari si Saul, pinangungunahan mo ang hukbo ng Israel sa pakikibaka, at ibinabalik mo silang muli. Sinabi sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos ang ganito: 'Ikaw ang magiging Pastol ng aking bayang Israel. Ikaw ang mamamahala sa kanila."
1 Cronica 21:13, "Ako'y nasa gipit na katayuan," tugon ni David. "Ibig kong sa kamay ni Yahweh mahulog yamang mahabagin siya. Ayokong tao ang magpahirap sa akin."
1 Cronica 29:11, "Sa iyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang pagtatagumpay pagkat iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa iyo ang buong pamamahala at ikaw ang hari ng lahat."
Maiksing pagbubuod: Ang unang siyam na kabanata ng Aklat ng 1 Cronica ay inilaan para sa listahan ng mga angkan. Ang mga karagdagang listahan ng mga angkan ay nakakalat sa buong aklat. Sa kalagitnaan ng Aklat ng 1 Cronica, itinala ang pag-upo ni David sa trono at ang kanyang mga naging aksyon bilang hari pagkatapos. Ang Aklat ay nagtapos sa pagtatalaga kay Solomon Bilang hari ng Israel. Ang Aklat ng 1 Cronica ay naglalaman ng mga sumusunod: Kabanata 1:1-9:23 - Piniling talaan ng mga











