📖𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐨𝐨❜𝐲 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐭𝐨 𝐚𝐭 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧,- 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝟐 𝐒𝐚𝐦𝐮𝐞𝐥 -𝐊𝐢𝐧𝐠𝐉𝐚𝐦𝐞𝐬𝐕𝐞𝐫𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆


Manunulat: Hindi tinukoy sa Aklat ng 2 Samuel kung sino ang manunulat. Hindi maaaring si Propeta Samuel ang sumulat dahil namatay na siya sa 1 Samuel. Ang mga posibleng sumulat nito ay si Nathan at Gad (tingnan ang Mga Cronica 29:29).

Panahon ng Pagkasulat: Sa orihinal, ang mga aklat ng 1 at 2 Samuel ay iisang aklat. Pinaghiwalay ito ng mga tagasalin ng Septuagint, at magbuhat noon ay pinanatili na ang pagkakahiwalay ng mga ito. Ang mga kaganapan sa 1 Samuel ay nangyari sa loob ng 100 taon, mula c. 1100 B.C. hanggang c. 1000 B.C. Ang mga kaganapan naman sa 2 Samuel ay nangyari sa loob ng 40 taon. Sinulat ang aklat pagkatapos ng 960 B.C.

Show More

Layunin ng Sulat: Ang aklat ng 2 Samuel ay tala ng pamumuno ni Haring David. Inilagay ng aklat na ito sa makasaysayang konteksto ang pangako ng Panginoon kay Haring David.

Mga Susing Talata: "At ang iyong sangbahayan at ang iyong kaharian ay matitiwasay magpakailan man sa harap mo: ang iyong luklukan ay matatatag magpakailan man." (2 Samuel 7:16).

"At tinakpan ng hari ang kaniyang mukha, at ang hari ay sumigaw ng malakas. Oh anak kong Absalom, Oh Absalom, anak ko, anak ko!" (2 Samuel 19:4).

"At kaniyang sinabi, Ang Panginoo'y aking malaking bato at aking katibayan, at tagapagligtas sa akin, sa makatuwid baga'y akin; Ang Diyos, ang aking malaking bato, na sa kaniya ako'y manganganlong; Aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog at ampunan sa akin; Tagapagligtas sa akin, ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan; Ako'y tatawag sa Panginoon na karapat-dapat purihin: Sa ganya'y maliligtas ako sa aking mga kaaway" (2 Samuel 22:2-4).

Maiksing pagbubuod: Ang aklat ng 2 Samuel ay maaaring hatiin sa dalawang bahagi" ang pagtatagumpay ni Haring David (mga kabanata 1-10) at ang mga pagsubok ni David (mga kabanata 11-20). Ang huling bahagi ng aklat (mga kabanata 21-24) ay walang partikular na pagkakasunod-sunod ngunit nagtataglay pa rin ng mga karagdagang detalye tungkol sa pamumuno ni David.

Ang aklat ay

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press