📖𝐌𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐧𝐚𝐧 ❜𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐰𝐚 𝐦𝐨❞ - 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝟏 𝐒𝐚𝐦𝐮𝐞𝐥 - 𝐊𝐢𝐧𝐠 𝐉𝐚𝐦𝐞𝐬 𝐕𝐞𝐫𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆


Manunulat: Hindi nagpakilala ang sumulat ng aklat ngunit mababasa natin na si Samuel ang manunulat (1 Samuel 10:25), at posible din na sinulat lamang niya ang ilang bahagi nito at ang iba pang posibleng manunulat ay ang mga propeta/mananalaysay na sina Nathan at Gad (1 Cronica 29:29).

Panahon ng Pagkasulat: Sa orihinal, ang mga aklat ng 1 at 2 Samuel ay iisang aklat. Pinaghiwalay lamang ito ng mga tagasalin ng isalin ito sa Septuagint at mula noon ay hindi na ito pinaghiwalay pa. Ang mga kaganapan sa 1 Samuel ay nangyari sa loob ng 100 taon, mula c. 1100 B.C. hanggang c. 1000 B.C. Ang mga kaganapan naman sa 2 Samuel ay nangyari sa loob ng 40 taon. Sinulat ang aklat pagkatapos ng 960 B.C.

Show More

Layunin ng Sulat: Itinala ng 1 samuel ang kasaysayan ng Israel sa lupain ng Canaan mula sa pamumuno ng mga Hukom hanggang sa pamumuno ng mga Hari bilang isang nagkakaisang bansa. Si Samuel ang nagsilbing huling hukom sa Israel at Siya ang nagtalaga bilang hari kay Saul at David.

Mga Susing Talata: "Nalungkot si Samuel dahil sa kahilingan ng mga tao, kaya't dumalangin siya kay Yahweh. Sinabi naman sa kanya ni Yahweh, "Sundin mong lahat ang sinasabi nila sapagkat hindi ikaw kundi ako ang inaayawan nilang mamahala sa kanila" (1 Samuel 8:6-7).

"Sinabi sa kanya ni Samuel, "Malaking kasalanan 'yang ginawa mo. Kung sinunod mo ang iniuutos sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos, ang sambahayan mo sana ang maghahari sa buong Israel habang panahon. Ngunit dahil sa ginawa mo, hindi na matutuloy iyon. Si Yahweh ay pipili ng ibang hari para sa Israel sapagkat hindi mo sinunod ang mga utos niya sa iyo" (1 Samuel 13:13-14).

"Sinabi ni Samuel, "Akala mo ba'y higit na magugustuhan ni Yahweh ang handog at hain kaysa pagsunod sa kanya? Ang pagsunod sa kanya ay higit sa handog, at ang pakikinig ay higit sa haing taba ng tupa. Ang pagsuway sa kanya ay kasinsama ng pangkukulam, at ang katigasan ng ulo'y tulad ng pagsamba sa diyus-diyusan. Pagkat sinuway mo si Yahweh, aalisin ka sa pagiging hari ng kanyang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press