📖𝐀𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬.❞ - 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐑𝐔𝐓𝐇 - 𝐊𝐢𝐧𝐠 𝐉𝐚𝐦𝐞𝐬 𝐕𝐞𝐫𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆


Manunulat: Hindi partikular na tinukoy kung sino ang sumulat ng aklat ni Ruth. Ayon sa tradisyon, ang sumulat ng aklat ni Ruth ay si Propeta Samuel.

Panahon ng Pagkasulat: Hindi tiyak ang eksaktong panahon ng pagkasulat ng aklat. Gayunman, ang aklat ay nasulat, ayon sa popular na paniniwala, sa pagitan ng 1011 at 931 B.C.

Show More

Layunin ng Sulat: Ang aklat ni Ruth ay isinulat para sa mga Israelita. Itinuturo nito ang tunay na pag-ibig sa sa kabila ng kahirapan at pagdurusa. Anuman ang ating kalagayan sa buhay, maaari tayong mamuhay ng ayon sa kalooban ng Diyos. Ginagantimpalaan ng Diyos ang tapat na pag-ibig at kabutihan at ang mga taong nagsisikap na sumunod sa Kanyang kalooban. Walang aksidenteng nangyayari sa buhay ng mga taong sumusuond sa kalooban ng Diyos. Ipinagkakaloob ng Diyos ang Kanyang habag sa mga mahabagin.

Mga Susing Talata: Ruth 1:16, - Tumugon si Ruth: "Huwag na ninyong hilinging iwan ko kayo. Hayaan na ninyo akong sumama sa inyo. Saanman kayo pumaroon, doon ako paroroon. Kung saan kayo tumira doon din ako titira. Ang inyong bayan ang magiging aking bayan. Ang inyong Diyos ang aking magiging Diyos."

Ruth 3:9, "Sino ka?" tanong niya. "Si Ruth po, ang inyong alipin," tugon ng babae. "Isa kayong kamag-anak na malapit kaya marapat na ako'y kalingain ninyo't pakasalan ayon sa inyong kaugalian."

Ruth 4:17, "Siya'y tinawag nilang Obed. Balana'y sinabihan nilang nagkaapo ng lalaki si Noemi. Si Obed ang ama ni Jesse na ama ni David."

Maiksing pagbubuod: Ang kasaysayan ng aklat ni Ruth ay nagumpisa sa Moab na isang paganong bansa. Ang Moab ay isang rehiyon sa hilagang silangan ng Dagat na Patay. Kalaunan, ang kuwento ay lumipat sa Bethlehem. Ang totoong pangyayaring ito ay naganap sa malungkot na panahon sa kasaysayan ng Israel, sa panahon ng mga Hukom. Isang taggutom ang nagtulak kay Elimelech at sa kanyang asawang si Naomi na magtungo sa bansang Moab at iniwan ang kanyang tahanan sa Israel. Namatay si Elimelech at naiwan kay Naomi ang kanilang dalawang anak

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press