📖𝐈𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐍𝐘𝐎 𝐊𝐀𝐌𝐈 - 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐇𝐔𝐊𝐎𝐌 - 𝐊𝐢𝐧𝐠 𝐉𝐚𝐦𝐞𝐬 𝐕𝐞𝐫𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆


Manunulat: Hindi partikular na tinukoy sa aklat kung sino ang manunulat. Ang pinaniniwalaan na manunulat ayon sa tradisyon ay si Propeta Samuel. Ang mga panloob na ebidensya ay nagpapahiwatig na nabuhay ang manunulat mula sa huling yugto ng mga Hukom. Angkop ang kwalipikasyon ni Samuel bilang manunulat ng aklat ng mga Hukom.

Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ng mga Hukom ay nasulat sa pagitan ng 1045 and 1000 B.C.

Show More

Layunin ng Sulat: Ang aklat ng mga Hukom ay maaaring hatiin sa dalawang bahagi: 1) Ang kabanata 1-16 ay nagsasalaysay ng mga digmaan ng pagliligtas na nagpasimula sa pagtalo ng mga Israelita sa mga Cananaeo at nagwakas sa kamatayan ni Samson; 2) Ang kabanata 17-21 na sinasabing appendix at walang koneksyon sa mga sinundang mga kabanata. Ang mga kabanatang ito ay tinatawag na panahon "na walang hari na naghahari sa Israel (Mga Hukom 17:6; 18:1; 19:1; 21:25)." Ang aklat ng Ruth ay bahagi ng aklat ng mga Hukom sa orihinal, ngunit noong A.D. 450, ito ay inalis sa aklat at ginawang isang bukod na aklat.

Mga Susing Talata: Mga Hukom 2:16-19: - Ang Israel ay binigyan ni Yahweh ng mga hukom upang magtanggol sa kanila. Ngunit hindi nila pinakinggan ang mga ito. Tinalikdan nila si Yahweh at naglingkod sa mga diyus-diyusan. Lahat ng hukom na inilagay ni Yahweh ay tinulungan niya upang iligtas sila sa kanilang mga kaaway. Nababagbag ang kanyang kalooban dahil sa kanilang mga daing bunga ng hirap na dinaranas nila. Ngunit pagkamatay ng hukom na inilagay niya, ang mga Israelita'y nagbabalik sa pagsamba sa mga diyus-diyusan. Higit pa sa kasamaan ng kanilang mga ninuno ang kanilang ginagawa. Hindi nila maiwan ang kanilang kasamaan."

Mga Hukom 10:15: "Ngunit patuloy ang pamamanhik ng mga Israelita: "Nagkasala nga po kami at gawin ninyo sa amin ang ibig ninyong gawin, iligtas lamang ninyo kami ngayon."

Mga Hukom 21:25: "Nang panahong yaon ay walang hari sa Israel kaya nagagawa ng mga Israelita ang gusto nilang gawin."

Maiksing pagbubuod: Ang aklat ng mga Hukom ay

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press