📖𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐥𝐨 𝐬𝐚 𝐢𝐲𝐨 𝐡𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐤𝐚𝐰 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐛𝐮𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲.- 𝐀𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐉𝐎𝐒𝐔𝐄 - 𝐊𝐢𝐧𝐠 𝐉𝐚𝐦𝐞𝐬 𝐕𝐞𝐫𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆


Manunulat: Hindi partikular na tinukoy sa aklat ang pangalan ng manunulat. Ngunit walang ibang ipinapalagay na sumulat ng aklat kundi si Josue na anak ni Nun, ang kahalili ni Moises. Ang huling bahagi ng aklat ay maaaring isinulat ng ibang tao pagkatapos ng kamatayan ni Josue. Posible rin na ang ilan sa mga bahagi ng aklat ay ini-edit o inipon pagkatapos na mamatay si Josue.

Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ni Josue ay isinulat sa pagitan ng 1400 and 1370 B.C.

Show More

Layunin ng Sulat: Isinalaysay sa Aklat ni Josue ang mga kampanyang militar ng Israel sa pagsakop sa mga kaharian na nakatira sa lupang ipinangako ng Diyos. Pagkalabas sa Ehipto at pagkatapos ng apatnapung taon ng paglalagalag sa ilang, ang bagong bansa ay handa na upang pasukin ang Lupang Pangako, lupigin ang mga naninirahan doon at okupahan ang teritoryo. Ang pangkalahatang salysay na mababasa sa Aklat ni Josue ay nagbibigay sa atin ng mga pinili at maiiksing detalye ng maraming labanan at pamamaraan hindi lamang kung paano nila sinakop ang lupain kundi kung paano rin hinati ang lupain sa bawat lipi ng Israel.

Mga Susing Talata: Josue 1:6-9, "Magpakatatag ka, at lakasan mo ang iyong loob. Ikaw ang mamumuno sa bayang ito sa pananakop nila sa lupaing ibibigay ko sa kanila, ayon sa aking pangako sa inyong mga ninuno. Ngunit dapat kang magpakatatag at magpakatapang. Sundin mong mabuti ang Kautusang ibinigay sa inyo ni Moises. Huwag mong susuwayin ang anumang itinatagubilin doon, at magtatagumpay ka sa lahat mong gagawin. Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat na yaon. Dili-dilihin mo iyon araw-gabi upang matupad mo ang lahat ng nasusulat doon. Sa gayon, giginhawa ka at magtatagumpay. Alalahanin mong lagi itong aking tagubilin: Magpakatatag ka at tibayan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa. Ako, si Yahweh, ang iyong Diyos, ay sasaiyo saan ka man pumunta."

Josue 24:14-15, "Kaya naman ngayon, sambahin ninyo si Yahweh at paglingkuran ninyo siya nang tapat. Kalimutan na ninyo ang mga

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press