📖𝐒𝐢 𝐄𝐁𝐀 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐇𝐀𝐒 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐬𝐢𝐬 𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟑 𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐉𝐀𝐌𝐄𝐒 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆
Manunulat: Hindi nagpakilala ang manunulat ng aklat ng Genesis. Sa tradisyon, laging ipinapalagay na si Moises ang manunulat ng aklat. Walang kapani-paniwalang dahilan upang hindi paniwalaan na si Moises ang manunulat ng Genesis.
Panahon ng Pagkasulat: Hindi rin sinabi sa Genesis ang panahon ng pagkasulat ng aklat. Ang panahon ng pagkasulat ayon sa palagay ng mga iskolar ng Bibliya ay sa pagitan ng 1440 at 1400 B.C., sa pagitan ng pangunguna ni Moises sa paglabas ng Israelita sa Ehipto at ng kanyang kamatayan.
Show More
Layunin ng Sulat: Tinatawag din minsan ang Aklat ng Genesis na "punlaan" ng buong Bibliya. Karamihan ng mga pangunahing doktrina ng Bibliya ay ipinakilala sa anyo ng "punla" o "binhi" sa Aklat ng Genesis. Kasama sa pagbagsak ng tao sa kasalanan, itinala din ang pangako ng Diyos ng kaligtasan o katubusan (Genesis 3:15). Ang doktrina sa paglikha, pagpasa ng kasalanan ni Adan sa lahat ng tao, poot at biyaya ng Diyos, at ang kanyang walang hanggang kaalaman, responsibilidad ng tao, at marami pang mga doktrina ay tinalakay din sa aklat ng mga pasimula na tinatawag na Genesis.
Marami sa mga napakahalagang katanungan ng tao sa buhay ay binigyang kasagutan sa Genesis. Gaya ng, (1) Saan ako nanggaling? (nilikha tayo ng Diyos - Genesis 1:1) (2) Bakit ako naririto? (Narito tayo upang magkaroon ng relasyon sa Diyos - Genesis 15:6) (3) Saan ako patutungo? (mayroon tayong patutunguhan pagkatapos ng kamatayan - Genesis 25:8). Ang Genesis ay namamanhik sa tao tulad sa isang siyentipiko, mananalaysay, teologo, maybahay, magsasaka, manlalakbay, lalaki o babae ng Diyos. Ito ay angkop na pasimula para sa kasaysayan ng plano ng Diyos para sa sangkatauhan, ang Bibliya.
Mga Susing Talata: Genesis 1:1, "Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa."
Genesis 3:15, "At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong."
Genesis 12:2-3, "At gagawin kitang isang malaking











