📖❞𝐎 𝐘𝐚𝐡𝐰𝐞𝐡, 𝐝𝐢𝐧𝐠𝐠𝐢𝐧 𝐧𝐢𝐧𝐲𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧, - 𝐀𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐍𝐞𝐡𝐞𝐦𝐢𝐚𝐬


Manunulat: Hindi partikular na tinukoy sa aklat kung sino ang manunulat ng Aklat ni Nehemias ngunit tinatanggap ng mga Hudyo at Kristiyano na si Ezra ang manunulat. Ito ay dahil sa katotohanan na ang Aklat ni Ezra at ang Nehemias ay iisang aklat.

Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ng Nehemias ay nasulat sa pagitan ng 445 at 420 B.C.

Show More

Layunin ng Sulat: Ipinagpatuloy ng Aklat ni Nehemias, isa sa mga aklat ng kasaysayan ng Bibliya ang kuwento ng pagbabalik ng Israel mula sa pagkabihag sa Babilonia at ang muling pagtatayo ng templo sa Jerusalem.

Mga Susing Talata: Nehemias 1:3, - Ito ang sagot nila sa akin: "Kahabag-habag ang mga iyon at nililibak pa ng mga Hentil na nakatira doon." Sinabi nila na giba pa ang muog ng Jerusalem at ang mga pintuan ng lunsod ay hindi pa nagagawa mula nang iyo'y sunugin."

Nehemias 1:11, "O Yahweh, dinggin ninyo ang dalangin namin, kaming inyong lingkod na nagnanais magparangal sa inyo. Papagtagumpayin po ninyo ang aking lakad ngayon at loobin po ninyong kahabagan ako ng hari."

Nehemias 6:15-16, - Pagkaraan ng limampu't dalawang araw na paggawa, natapos ang muog noong ika-25 araw ng buwan ng Elul. Humanga ang aming mga kaaway at ang mga bansa sa palibut-libot nang mabalitaan ang aming ginawa. Naniwala silang ito'y natapos sa tulong ng Diyos."

Maiksing pagbubuod: Si Nehemias ay nasa Persia ng dumating sa kanya ang balita na muling itatayo ang templo sa Jerusalem. Nagalala siya dahil alam niya na walang pader na nagpoprotekta sa siyudad. Nanalangin si Nehemias na gamitin siya ng Diyos upang iligtas ang siyudad laban sa mga kaaway. Pinakinggan ng Diyos ang kanyang dalangin ng palambutin ng Diyos ang puso ni Artaxerxes, ang hari ng Persia at hindi lamang siya pinahintulutan nito sa kanyang plano kundi ibinigay pa ang mga kagamitan na kinakailangan para sa proyeckto. Bingiyan si Nehemias ng pahintulot ng hari na bumalik sa Jerusalem kung saan ginawa siya doong tagapamahala.

Sa kabila ng lahat ng oposisyon at akusasyon, naitayo ang pader at

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press