📖❞𝐃𝐮𝐦𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐡𝐚𝐫𝐚𝐩 𝐧𝐢 𝐄𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐬𝐚 𝐡𝐚𝐫𝐢. - 𝐀𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐄𝐬𝐭𝐡𝐞𝐫 -
Manunulat: Hindi partikular na tinukoy sa Aklat ni Esther kung sino ang manunulat. Ang pinakapopular na manunulat ayon sa tradisyon ay si Mardoqueo (isang pangunahing karakter sa aklat), si Ezra at si Nehemias (na pamilyar sa mga kaugalian ng Persia).
Panahon ng Pagkasulat: Ang Aklat ni Esther ay isinulat sa pagitan ng 460 - 350 B. C.
Show More
Layunin ng Sulat: Ang layunin ng Aklat ni Esther ay upang ipakita ang probidensya ng Diyos, lalo"t higit sa Kanyang bayang hinirang, ang Israel. Itinala ng Aklat ni Esther ang pagtatatag ng pista ng Purim at ang obligasyon ng mga Israelita na ipagdiwang ito sa habang panahon. Ang akalat ng Esther ay binabasa tuwing pista ng Purim upang gunitain ang dakilang pagliligtas ng Diyos sa mga Israelita sa pamamagitan ni Esther. Binabasa pa rin ito ng mga Hudyo hanggang ngayon tuwing pista ng Purim.
Mga Susing Talata: Esther 2:15 - "Dumating ang araw ng pagharap ni Ester sa hari. Wala siyang hiniling maliban sa sinabi sa kanya ni Hegeo. At nabighani niya ang lahat ng nakakita sa kanya."
Esther 4:14 - "Pag ipinagwalang-bahala mo ang pangyayaring ito, tiyak na may magliligtas din sa mga Judio ngunit ikaw at ang iyong angkan ay malilipol. Ano'ng malay mo? Baka nga napunta ka riyan para maging kasangkapan sa ganitong pagkakataon?"
Esther 6:12 - "Pagkatapos ng parada, si Mardoqueo'y nagbalik sa pintuan ng palasyo. Nagmamadali namang umuwi si Haman, nanangis at nakatalukbong dahil sa hiya at sama ng loob."
Esther 7:3 - Sumagot si Reyna Ester, "Kung nakalulugod ako sa inyo, Mahal na Hari, at kung inyong mamarapatin ay iligtas ako at ang aking lahi."
Maiksing pagbubuod: Maaaring hatiin ang Aklat ni Esther sa tatlong pangunahing bahagi. Kabanata 1:1-2:18 - Pinalitan ni Esther si Reyna Vasthi; 2:19-7:10 - Natalo ni Mardoqueo si Haman; 8:1-10:3 "Naligtas ang mga Israelita sa plano ni Haman na paglipol sa kanila. Alam ni Esther na nanganganib ang kanyang sariling buhay dahil sa kanyang ginawang paglapit sa hari ng walang pahintulot. Kusang loob











