📖𝐀𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐀𝐖𝐈𝐓 - ❞𝐒𝐢 𝐘𝐚𝐡𝐰𝐞𝐡 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐬𝐭𝐨𝐥, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐚𝐤𝐨 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐮𝐤𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠.❞
Manunulat: Ang maiksing paglalarawan sa pagpapakilala sa Awit ay inilista si David bilang manunulat sa 73 pagkakataon. Ang personalidad at pagkakakilanlan kay David ay malinaw na mababakas sa marami sa mga Awit na ito. Bagama't malinaw na sinulat ni David ang marami sa mga indibidwal na Awit, hindi siya ang manunulat ng buong koleksyon ng mga Awit. Dalawa sa mga Awit, ang (72) at (127) ay ipinangalan kay Solomon, ang kahalili ni David sa trono. Ang Awit 90 ay ipinangalan naman kay Moises. Ang isa pang grupo ng 12 Awit (50) at (73 hangggang 83) ay ipinangalan sa pamilya ni Asaph. Isinulat ng mga anak ni Kora ang 11 Awit (42, 44-49, 84-85, 87-88). Ipinangalan naman kay Heman ang Awit 88 at ang Awit 89 naman ay kay Etan na mula sa lahi ni Ezra. Maliban kay Solomon at Moises, ang lahat ng mga karagdagang Awit ay isinulat ng mga Saserdote at Levita na mga responsable sa pagpapaawit sa pagsamba sa santuaryo sa panahon ng paghahari ni David. Limampu sa mga Awit ang walang ipinakilalang manunulat.
Panahon ng Pagkasulat: Ang isang masusing pagaaral kung sino ang manunulat, gayundin ang mga paksa ng bawat Awit mismo at nagpapakita na ang Awit ay nasulat sa loob ng maraning siglo. Ang pinakamatandang Awit ay isang panalangin ni Moises (90), isang pagpapahayag ng karupukan ng tao kumpara sa kawalang hangganan ng Diyos. Ang pinakabagong Awit ay maaaring ang Awit 137, isang Awit ng panaghoy na malinaw na nasulat noong panahon na binihag ng Babilonia ang Israel noong humigit kumulang 586 hanggang 538 B.C.
Show More
Malinaw na ang 150 indibidwal na mga Awit ay isinulat ng iba't ibang mga manunulat sa loob ng isanlibong taon sa kasaysayan ng Israel. Maaring inipon sila at pinagsamasama ng ilang hindi kilalang patnugot pagkatapos ng pagkabihag sa Babilonia noong mga 537 B.C.
Layunin ng Sulat: Ang Aklat ng mga Awit ang pinakamahabang aklat sa buong Bibliya. Naglalaman ito ng 150 indibidwal na mga Awit. Ito rin ay naglalaman ng iba't ibang paksa. Tinalakay sa aklat ang mga paksa gaya ng











