❞𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧, 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐠𝐚𝐲.❞ 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐄𝐜𝐜𝐥𝐞𝐬𝐢𝐚𝐬𝐭𝐞𝐬 - 𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐉𝐀𝐌𝐄𝐒 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍
Aklat ng Ecclesiastes
Manunulat: Hindi tinukoy sa Aklat ng Mangangaral kung sino ang manunulat. May ilang mga talata ang nagsasaad na si Solomon ang sumulat ng aklat na ito. May mga palatandaan din sa konteksto na nagpapahiwatig na maaaring ibang tao ang sumulat ng ibang bahagi ng aklat pagkatapos na mamatay ni Solomon at maaaring naisulat ang ibang bahaging iyon may mga 100 taon pagkatapos ng kanyang kamatayan. Gayunman pangkaraniwang pinaniniwalaan na si Solomon ang sumulat ng aklat.
Panahon ng Pagkasulat: Nagtagal ang paghahari ni Solomon sa Israel mula sa humigit kumulang 970 B.C. hanggang humigit kumulang 930 B.C. Ang Aklat ng Mangangaral ay malamang na naisulat sa huling bahagi ng paghahari ni Solomon. noong humigit kumulang 935 B.C.
Show More
Layunin ng Sulat: Ang Aklat ng Mangangaral ay isang aklat ng pananaw. Ang mga salaysay ng "Mangagaral" o ng "Guro" ay nagpapakita ng kapighatian na walang pagsalang bunga ng paghahanap ng kaligayahan sa mga makamundong bagay. Binibigyan ng pagkakataon ang mga Kristiyano na tingan ang mundo sa pananaw ng isang tao na bagama't napakatalino, ay nagtangka na hanapin ang kahulugan ng buhay sa mga pananadaliang bagay. Karamihan ng mga makamundong kasiyahan ay sinaliksik ng Mangangaral, ngunit wala sa mga ito ang nagbigay sa kanya ng kasiyahan.
Sa huli, natanggap ng Mangangaral na ang pananampalataya sa Diyos ang tanging paraan upang matagpuan ang kasiyahan at kahulugan ng buhay. Nagdesisyon siya na tanggapin ang katotohanan na maiksi lamang ang buhay sa lupa at wala itong kabuluhan kung wala ang Diyos. Pinapayuhan ng Mangangaral ang kanyang mga mambabasa na ituon ang atensyon sa walang hanggang Diyos at sa mga bagay na espiritwal sa halip na sa mga panandaliang kasiyahan dito sa mundo.
Mga Susing Talata: Mangangaral 1:2, "Walang kabuluhan, walang halaga ang lahat ng bagay."
Mangangaral 1:18, "Hanggang lumalawak ang kaalaman ay dumarami ang alalahanin, at habang dumarami ang nalalaman ay lalong tumitindi ang sakit."
Mangangaral











