❞𝐍𝐚𝐬𝐚 𝐡𝐚𝐫𝐝𝐢𝐧 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧, 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥, 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐭𝐚, 𝐀𝐖𝐈𝐓 𝐍𝐢 𝐒𝐎𝐋𝐎𝐌𝐎𝐍 - 𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐉𝐀𝐌𝐄𝐒 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍


Awit ni Solomon
Manunulat: Ayon sa unang talata, isinulat ni Solomon ang Awit ni Solomon. Ang awit na ito ay isa sa isanlibo at limang awit na isinulat ni Solomon. Ang titulong "Awit ni Solomon" ay nasa ayos ng pananalita na nagsasaad na ito ang pinakamagandang awit ni Solomon.

Panahon ng Pagkasulat: Maaaring isinulat ni Solomon ang awit na ito sa mga unang taon ng kanyang paghahari noong mga 965 B.C.

Show More

Layunin ng Sulat: Ang Awit ni Solomon ay isang tula na nilagyan ng liriko upang itanghal ang magandang pagsasamahan at wagas na pag-ibig sa pagitan ng mag-asawa. Ipinakikilala ng tula na ang pagaasawa ay disenyo ng Diyos. Dapat na mamuhay na magkasama ang babae at lalaki sa konteksto ng pagaasawa at dapat na magmahalan sa espiritwal, emosyonal at pisikal.

Binabantayan ng aklat ang dalawang maling paninwala: ang asetismo (pagtanggi sa lahat ng kasiyahan) at hedonismo, (ang paghahanap sa kasiyahan lamang). Ang pag-ibig na inilarawan sa Awit ni Solomon ay isang modelo sa pamamalasakit, pagtatalaga at kaligayahan.

Awit ni Solomon 5:1 - "Nasa hardin ako ngayon, aking mahal, aking sinta, at ako ay nangunguha ng balsamo at ng mira, Nilalasap ko ang tamis nitong pulot ng pukyutan, Iniinom ko ang gatas at alak na malinamnam."

Awit ni Solomon 8:6-7 - "Kaya ako'y mahalin mo, sa bisig mo ay ikulong O kay lakas ng pag-ibig, panibugho man ay gayon. Sinlakas ng kamatayan, tumutupok, parang apoy. Kahit baha ay di kaya na pigilin ang paggiliw, buhusan man nitong tubig, di makuhang palamigin. Subukin mong ang pag-ibig ay sa yaman mo daaninbaka pa nga ang mangyari ay ikaw pa ang tuyain."
Maiksing pagbubuod: Ang tula ay tungkol usapan sa pagitan ng mag-asawa (ang hari) at ang kanyang asawa (ang babaeng Sunamita). Maaaring hatiin ang aklat sa tatlong bahagi: ang pagliligawan (1:1 - 3:5); ang kasalan (3:6 - 5:1); at ang pagsasama bilang magasawa (5:2 - 8:14).
Sa gabi ng kasal, muling pinuri ng lalaki ang kagandahan ng kanyang asawa at gamit ang mga simbolikong pananalita, niyaya ng

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press