❞𝐊𝐚𝐲𝐚❜𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐠𝐚 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐠𝐛𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐧𝐝𝐚; 𝐀𝐧𝐠 𝐀𝐊𝐋𝐀𝐓 𝐧𝐢 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐞𝐭𝐚 𝐈𝐬𝐚𝐢𝐚𝐡 - 𝐊𝐉𝐕
Aklat ni Isaias
Manunulat: Ayon sa Isaias 1:1 ang sumulat ng aklat ay ang propetang si Isaias.
Panahon ng Pagkasulat: Ang Aklat ni Isaias ay nasulat sa pagitan ng 701 and 681 B.C.
Show More
Layunin ng Sulat: Ang propetang si Isaias ay isa sa mga tinawag upang magpropesiya sa Kaharian ng Juda. Ang Juda ay nasa panahon ng pagbabagong-buhay at rebelyon. Ang kaharian ay pinagbantaan ng pagwasak sa kamay ng Asiria at Ehipto, ngunit nakaligtas dahil sa awa ng Diyos. Nagpahayag si Isaias ng mensahe ukol sa pagsisisi sa kasalanan at pag-asa sa pag-iingat ng Diyos sa hinaharap.
Mga Susing Talata: Isaias 6:8, "At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin Ko, at sinong yayaon sa ganang Amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako."
Isaias 7:14, "Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel."
Isaias 9:6, "Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa Kaniyang balikat: at ang Kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan."
Isaias 14:12-13 , "Ano't nahulog Ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, Anak ng umaga! paanong Ikaw ay lumagpak sa lupa, Ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!; At sinabi Mo sa Iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, Aking itataas ang Aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Diyos; at Ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kadulu-duluhang bahagi ng hilagaan."
Isaias 53:5-6, "Nguni't Siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, Siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa Kaniya; at sa pamamagitan ng Kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo; Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa Kaniya ng Panginoon ang kasamaan











